Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, ‘di totoong lumaki na ang ulo

ISA si Allan K sa mga pinakamalalapit na kaibigan sa showbiz ni Maine Mendoza. Kaya naman ipinagtanggol ng una ang huli laban sa bashers nito.

“’Pag sikat ka naman, ganoon. Lalo na ma-social media siya. Lahat mayroon siya, Snapchat, Wazzup, may blog pa siya, Twitter, Instagram, Facebook. You cannot argue with success. Basta siya si Maine Mendoza, tapos! Superstar siya, tapos!,” sabi ni Allan K sa interview sa kanya saPep.ph.

Kaya naman maraming bumabatikos ngayon kay Maine ay dahil maraming nagsasabi na nagbago na raw ito, na lumaki na raw ang ulo nito dahil sikat na sikat na siya. Pero ayon sa magaling na komedyante at TV host, wala raw naman siyang napapansin na nagbago na ang ka-loveteam ni Alden Richards.

“Ay, wala, until now. At saka kung may kilos man siyang mali, maiintindihan mo. Bago ‘yan. One year pa lang. Out of nowhere, dinampot at ginawa niyong artista. Bigla niyong sinuperstar, parang Nora Aunor. Parang binigla mo ang bata, ‘Ay, ay, teka lang. Nagbabantay lang naman ako ng gasolinahan namin, ‘di ba? Tapos out of boredom, nagda-Dubsmash ako.’” aniya pa.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …