Saturday , November 16 2024

Armas bibilhin sa China, Russia (Para sa modernisasyon ng AFP)

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mamili ng armas sa Russia at China dahil sa naturang mga bansa ay “no strings attached” at transparent ang transaksiyon.

“Sabi ko there are countries that offered us so many sabi nila mamili ka lang doon, I’d like to tell you some of our guys there, you can also go there if you want, I’d like to ask the Defense Sec. Lorenzana to samahan kayo, technical people, punta kayo ng Russia, punta kayo ng China at tingnan ninyo kung ano ang pinakamabuti,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa ika-48 anibersaryo ng 250th Presidential Airlift Wing sa Villamor Air Base, Pasay City.

“We can buy the arms where they are cheap and where there are no strings attached and it is transparent. Sabi ko sa kanila I won’t deal with you except on government to government but sabi nila you send your technical men sa armed forces they’ll be happy to show you what they can offer. Sabi ko well in the coming days it will depend pag sinabi ni Gen. Lorenzana na tama na, ok na, susunod lang ako kung kulang saan tayo kukuha,” anang Pangulo nang kaharap ang kinatawan ng China sa Davao City.

Ikinuwento din ng Pangulo na nag-alok ang China na bigyan siya ng bagong presidential plane pero duda siya sa kalidad nito dahil pamoso na kapag “Made in China” ay substandard.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *