Saturday , November 16 2024

Yankees go home (Sibilyan o US troops) — Duterte

091316_front
PINALALAYAS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng Amerikano sa Mindanao, kasama ang US troops, upang ‘patayin’ ang negosyong kidnap-for-ransom ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa kanyang talum-pati sa mass oathtaking sa mga bagong talagang opisyal ng gobyerno, si-nabi ni Pangulong Duterte, hindi lang niya nasabi kay US President Barack Obama sa East Asia Summit sa Laos, na kailangan paalisin ang kanilang mga mamamayan sa Minda-nao bilang respeto at ayaw niyang makairingan ang Amerika.

“Yung foreign policy. ‘Di ko lang masalita noon, out of respect and I do not want a rift with Ame-rica. But they have to go,” ani Duterte.

Para madurog ang ASG kailangan aniyang walang sagabal sa ope-rasyong militar.

“Kaya ‘yung special forces, they have to go. They have to go in Min-danao. Maraming mga puti roon. We have to go,” ayon sa Pangulo

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte, kapag nakakita ng Amerikano ang ASG ay gagawing bihag at kahit magbayad pa ng ransom ay papa-tayin.

“Kapag nakakita ng Amerikano ‘yan, patayin talaga iyan. Kukunan ng ransom iyan, patayin. Even if you’re a black or a white American, basta American,” giit ng Pangulo.

Kabilang sa mga binihag at pinatay ng ASG na Amerikano ay sina Guil-lermo Sobero noong 2001 at Martin Burnham noong 2002.

Noong Setyembre 29, 2009, dalawang sunda-long Amerikano ang namatay sa pambobomba ng ASG sa Sulu.

ASG lumakas sa ‘madilim’ na relasyon ng US at PH

SINISI ng Palasyo ang patuloy na pakiki-pagmabutihan ng Filipinas sa Amerika sa paglakas ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa kalatas ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, sinabi niyang ang ngitngit ni Pangulong Duterte sa Estados Unidos ay nag-ugat sa pagmasaker ng tropang Amerikano sa libo-libong Moro, karamihan ay kababaihan at paslit, sa Bud Dajo, Sulu noong 1906 sa panahon ng Filipino-American war.

Katuwiran ng Pangulo, hanggang ngayo’y hindi humihingi ng paumanhin ang US sa inutang na dugo sa Filipinas at ginawa pang postcard ang larawan ng mga sunda-long Amerikano sa harap ng hukay na itinambak ang bangkay ng mga pinaslang nilang mga Filipino.

“The statement reflects PRRD’s new direction towards coursing an independent foreign po-licy; he has made reference to the unrecognized, unrepented and unatoned for massacre at Bud Dajo in Sulu by the Americans, hence our continued connection with West is the real reason for the “Islamic” threat in Mindanao,” ani Abella.

Ang pananahimik aniya ng Amerika sa isyu ay kabaligtaran sa naging “moral position” nito sa paghiling sa Germany na humingi paumanhin sa Holocaust noong rehimeng Nazi ni Adolf Hitler at panawagan sa Japan na magbayad-pinsala sa pagdigma sa ibang bansa noong World War II.

“The American silence on the matter lacks congruence with its  moral position, in the light of actions taken in the past by the Germans who confessed and made atonement for the Holocaust, and Japan which made reparations for the atrocities it perpetrated among the peoples they conquered,” dagdag ni Abella.

Ipinagmalaki ni Abella, nasa tamang paninindigan si Duterte sa paggiba sa ‘pader’ na nagkukubli sa madilim na relasyon ng US at Filipinas.

“Mr. Duterte is on morally firm ground by breaking up walls that cover dark corners in US-RP relations,” sabi ni Abella.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *