HUMINGI ng paumanhin ang Palasyo sa publiko dahil tinadtad ng netizens ang birthday message sa Official Gazette ng pamahalaan sa paggunita sa ika-99 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Binago na ng Presidential Communications Office ang nag-viral na birthday card post sa gov.ph na umani ng negatibong reaksiyon na nagsasaad na bumaba sa puwesto si Marcos upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.
“The apology would not be from the office but from me personally. I think the apology would be more, because we’re not prudent enough given that, we will be more circumspect in the way we do things,” ani Assistant Secretary Ramon Cualoping ng Strategic Planning ng PCO.
Ngunit inilinaw ng opisyal, hindi nila binabago ang kasaysayan sa naturang post dahil ang kanilang post ay para sa paggunita sa araw ng kapanganakan ni Marcos at hindi ang anibersaryo ng pagdedeklara ng martial law sa bansa.
“It is incumbent upon us to make it very clear and very pointed and very direct to avoid any misrepresentation, ah misinterpretation of things. Like what i said, it is not how we write, it’s how people would appreciate it, aniya.”
Samantala, ini-report na ng Malacañang sa Facebook na hindi sa pamahalaan ang account na superficial gazette upang magabayan ang online social media users.
( ROSE NOVENARIO )