GRABE ang pasasalamat ni Arci Munoz sa ganda ng career niya ngayon. Sey ng aktres, feeling niya ay dahil igina-guide siya ng ama niyang yumao noong Pebrero.
“My dad just passed away last February, when I was doing ‘Always Be My Maybe’. And then after that, ang ganda ng naging takbo ng lahat.
“So, feeling ko, alam ko, nararamdaman ko na gina-guide niya ako and I’m really, really thankful,” sambit ni Arci.
“Alam ko, si Lord, pinrepare niya lang ako, sa tagal ng hinintay ko, ano ko lang ‘yun, journey ko lang para mas maging mabuti ako sa craft ko.
“And I’m really, really thankful. I have no words talaga. Kay direk RSB (Ruel S. Bayani, business unit head ng ‘Magpahanggang Wakas’ at ‘Pasion de Amor’). Kasi I started with him when I transferred dito sa ABS-CBN. Thank you po sa napakagandang opportunities,” sey pa ni Arci.
First time magkatrabaho sina Arci at Jericho Rosales. Kumusta naman katrabaho si Jericho?
“Wala akong masabi riyan, sobrang galing. Makes me harder para pagbutihan ko pa ‘yung akting ko. At siya na yata ‘yung pinaka-humble na artistang nakatrabaho ko. Pagdating sa set, babatiin niya lahat. And very professional.”
Nagpaka-daring ba siya sa serye na ito?
“Basta hinihingi ng character o istorya, ginagawa ko, hindi naman siya bastos. Alam ko naman na inaalagaan nila ako .At may limitasyon din naman ako,” pakli niya.
Bukod kina Arci at Jericho, mapapanood din sa Magpahanggang Wakas sina Gelli De Belen, Rita Avila, Danita Paner, Liza Lorena, Lito Pimentel, Justin Cuyugan, Marco Gumabao, Maika Rivera and Jomari Angeles. Sa September 19 na ang pilot episode ng Magpahanggang Wakas pagkatapos ng Till I Met You.
TALBOG – Roldan Castro