TUMANGGP ang Drama King na si Dennis Trillo ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards sa South Korea.
Inintriga tuloy si Tom Rodriguez kung may extra effort ba siya na mapantayan si Dennis. Iisa kasi ang manager nila, si Popoy Caritativo ng Luminary Talent Management.
May pressure ba na galingan niya para hindi siya mapahiya ‘pag ikinukompara siya kay Dennis?
“No, no! The thing is, ang gusto ko sa Luminary, and the way Popoy handles all of us, magkakapatid kami. Ang sarap ng pakiramdam na ganoon, wala akong kuya, eh! Anim kaming magkakapatid, ako ang pinakamatandang lalaki pero rito may kuya ako. Kung ako ‘yung tagapayo sa mga kapatid ko, rito may mga nagpapayo sa akin, may mga kasama ka, may barkada ka, na really wishes the best for you!
“And I wish the best for them, ‘yung mga naa-achieve nila, nai-inspire ako. Lalo na kay Dennis, who I really look up to, as an actor, grabe! And kung paano sila magbigay, I take cues from them, eh.
“Si Dennis hindi madamot at ‘yung ginagawa ko lang, natututo ako sa mga nakakatrabaho ko, so tina-try kong i-embody ‘yung nakikita kong kalidad na gusto ko ring magkaroon sa sarili ko. So ‘pag nakita kong napakagaling niya, napaka-mapagbigay, sabi ko, iyan ‘yung gusto kong maging. I’ll follow that path and I’m happy to say na, well sila, Raf (Rafael Rosel), JC (Tiuseco), AJ (Dee) sila Dennis, andoon eh, ramdam mo ‘yung ganoong klase na samahan,” deklara pa ni Tom.
Hindi raw siya naiinggit o itinuturing na karibal si Dennis.
“I don’t look at it that way, eh. Because ang liit ng industriya nating ito, there’s enough space for everyone and I’m proof of that,” sey pa niya.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro