TINIYAK kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabayaran ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang inihahasik nilang karahasan, lalo na ang pambobomba sa Davao City night market kamakailan, ngunit tumanggi ang Punong Ehekutibo na idetalye ang susunod na mga hakbang ng mga awtoridad kontra-terorismo.
“Oh, we’re pursuing leads. Too early to be talking about it. I said do not ask me questions that would telegraph the substance of what I’m trying to say. It’s—as a matter of fact, it’s a national security issue,” pahayag ng Pangulo tungkol sa aksiyon ng pamahalaan sa pinakahuling pag-atake ng teroristang Abu Sayyaf.
Ayon sa Pangulo, tinitiyak niya na darating ang panahon ng pagtutuos laban sa mga terorista lalo sa ASG.
“But I said I guarantee you, there will be a day of reckoning. There will be more because of retaliations, reprisals. But there will be, maybe more blast, but there will be a day of reckoning. Bantayan ninyo,” ayon sa Pangulo sa press briefing nang dumating mula sa pagdalo sa ASEAN Summit sa Laos at state visit sa Indonesia.
Noong Hulyo 26, hinamon ni Pangulong Duterte ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na putulin ang koneksiyon sa ASG.
Ang mga armas aniya ng ASG ay mula sa MILF at MNLF.
“I want to hear from MI(LF) and MN(LF) that they don’t have anymore connection with the Abu Sayyaf. If the MILF and the MNLF would not cut their connection with the Abu Sayyaf, I don’t think there will be significant result (in the talks),” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
( ROSE NOVENARIO )