Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Female PBB housemate, may attitude ‘di pa man sikat

HALATANG may attitude ang isang female PBB housemate nang mag-react sa kanyang nominasyon.

Nayayabangan at naartehan din sa kanya ang mga televiewer. Hindi tuloy siya nakikitaan ng sincerity.

May tsismis na kahit sa labas ng bahay ni Kuya ay feeling maganda ang female housemate na ito at may kakaibang asal talaga.

May buwiset na buwiset din sa kanya na nag-post sa FB.

“Everytime I see ____sa PBB  naaalaala ko ang bad experience ko sa kanya & mga swans sa Lyceum Cavite. Sana magbago na sya #PBB5thLuckyTask

“May attitude pa rin si ____. May bad experience ako sa kanya sa taping ng #AILYS (And I Love You So). Buti na lang tinanggal sya sa teleserye. #PBB5thLuckyTask”

Nag-PM kami sa nagrereklamo sa PBB housemate na nag-aartista na pala rati bago pumasok kung anong attitude ang ipinakita?

“Itinulak niya ako buti na lang ‘di ako nahulog sa pond sa Lyceum Cavite. May talent ako na nagti-taping din. So andoon ako during the rehearsal ng scene. Kung sino pa baguhan ‘yun pa ang may attitude. Inintindi ko na lang na super init at nagmamadali siya. The staff told me wala lang siyang mood,”  pakli sa amin.

Nakarma naman daw ang female PBB housemate na ito dahil napalitan siya at natanggal umano sa nasabing serye.

( Roldan Castro )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …