IPATATAPON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan sa mga lugar sa Mindanao na matindi ang bakbakan.
Sa press briefing kahapon ng madaling araw sa Davao City International Airport, nagbabala ang Pangulo na balak niyang italaga sa itatayong extension office ng national government sa Basilan o Jolo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Nakasentro ang lakas ng militar sa Basilan at Jolo para magapi ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).
Sinabi ng Pangulo, magpapalagay siya ng CCTV cameras sa mga tanggapan ng pamahalaan at walang paglabag ito sa batas dahil sa gobyerno ay walang “violation of privacy,” maliban sa paggamit ng palikuran.
“This will stop and maybe I will have cameras sa… ‘Yung mga incorrigibles. I’ll place cameras there. Like a Gestapo. And it’s all right for me. Why? This is government. This is not a private enterprise. There’s no such thing as violation of privacy there. It’s only when you enter the comfort room, that maybe, there’s that limitation. Kung sa gobyerno ka, it must be open. Lalo na ‘yung sa airport, Customs, Quarantine, Immigration. You know, I’m planning to put an extension office of the lahat. National government, I plan to put in Basilan or Jolo. Be my guest. I would only be too happy to assign you there,” ayon sa Pangulo.
Ayaw ng Pangulo na mapahiya sa pangako niya na tutuldukan ang katiwalian.
( ROSE NOVENARIO )