IPINAGMALAKI ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte, malinaw niyang naiparating ang mensahe sa world leaders sa ASEAN Summit sa Laos na walang bansa na puwedeng manghimasok sa Filipinas.
Ipupursige aniya ng kanyang administrasyon ang isang independent foreign policy, isusulong ang tamang kaisipan hinggil sa soberanya, walang puwedeng makialam ngunit sa mapayapang paraan reresolbahin ang mga tunggalian upang mapagsilbihan nang todo ang sambayanang Filipino at protektahan ang interes ng bansa.
“The most important, I think, the message I sent to everybody was, in this prepared speech: We will in our foreign relations with the world, the Philippines will pursue an independent foreign policy. We will observe and I must insist, I repeat, I must insist on the time-honored principles of sovereign equality, non-interference and commitment to peaceful settlements of disputes to best serve our people and to protect the interest of the country,” ayon sa Pangulo sa press briefing kahapon ng madaling araw sa Davao City International Airport .
“I think that was the most telling words that I could have uttered in any international gathering. It does not offend anybody. But, it sends a message that we have every right to pursue an independent foreign policy, without interference,” dagdag niya hinggil sa pagdalo sa ASEAN Summit sa Laos.
Nang humarap sa ASEAN-East Asia Summit at tinalakay ang human rights issue kamalawa, natameme sina US President Barack Obama at UN Secretary-General Ban Ki Moon nang isiwalat at ipakita ni Duterte ang aniya’y walang habas na pamamaslang ng mga tropang Amerikano sa 600,000 Moro sa US Pacification campaign noong Fil-Am war.
Hindi nagustuhan ng Pangulo ang mga pagbatikos ng US at UN sa sinasabing masamang human rights record ng kanyang administrasyon dahil di-hamak na malala ang paglabag ng US sa karapatang pantao sa mismong bansa nila at mga bansang dinidigma nito ngunit ang UN aniya’y walang kibo.
Ayon sa Pangulo, wala siyang obligasyon na magpa-pogi sa lahat o kanino man, kundi sa Filipino na nagpapasuweldo sa kanya.
“I do not answer— Maybe to the press for information. But I do not have an obligation to please everybody or to please one person. But if you’re a Filipino, I am at your service because I work for you. I receive my keep for the day from the pocket of the people,” sabi niya.
Paliwanag ng Pangulo, naging ugali na niya na puwede siyang ipagmalaki ng mga Filipino dahil bago siya ‘kuyugin’ ay inunahan na niya nang diskurso ang world leaders sa kawastuhan ng usapin sa human rights.
“Pero kung sabihin mo na I have this, I have to explain. And that is why it went well. Nauna ako. So I raised the ante, immediately I am. That’s my character. “Ikaw, may gusto kang sabihin sa akin? Okay. Here’s my card.” Ganon ako, maski sa politika. Itinatapon ko agad ang baraha ko. ”Ano gusto mo?” Ganon ako sa politika. Bakit? Baka i-divert na naman ninyo doon sa… ‘Yung akin, sa loob ko lang, sa isip ko. “O anong gusto mo? Ito ‘yung baraha ko. Hawak ko ‘yung alas. Ayan o. Ano gusto mong sabihin?” Hindi ko ginagawa ‘yan. But if I’m sure that it is the way how it should develop. Then it brings the worst in me or it brings out the best of me. Depende kung saan. I’m sure that if you’re a Filipino, you’d be proud of me,” aniya.
( ROSE NOVENARIO )