Monday , December 23 2024

Digong naiyak sa pagkawala ng 2 apo

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, umiyak siya nang malamang wala na ang dalawa sa triplet na ipinagbubuntis ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ng Pangulo, may tumawag sa kanya habang nasa ASEAN Summit para ibalita ang sinapit ng kanyang mga apo ngunit nasa lobby siya ng National Convention Center sa Vientiane, Laos kaya agad siyang nagpunta sa restroom para umiyak.

“Maski ‘nong una pa ‘yan. It took her a long time to be pregnant and you know with the medical intervention. I… When somebody called me, I went to the bathroom… Sa labas kasi, nasa lobby kami. I cried,” ayon sa Pangulo nang usisain sa press briefing sa Davao City International Airport kahapon ng madaling araw.

Bahagi aniya ng kanilang responsibilidad sa publiko na ihayag ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

“These are the things in life that cannot be assuaged by just… you have to heal yourself. I’m… Anyway thank you for… Kasi sabi ko, the right of the people to be informed. She’s a public, she’s an employee of government and a public employee of the national… We’re just workers in government,” anang Pangulo.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *