HINDI labag sa batas na pagbantaan ang mga kriminal at kung ano man ang mangyari sa kanila ay hiwalay na usapin, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng Pangulo sa press briefing sa Davao City International Airport makaraan ang kanyang arrival speech, bilang Punong Ehekutibo at abogado ay may karapatan siyang pagbantaan ang mga kriminal.
“It is never wrong, I repeat, it is never wrong to threaten criminals. Whatever is the endgame of a particular incident or an event. What… It does not really matter. It is perfectly all right. As far as I’m concerned, as your President and a lawyer, that I have every right to threaten criminals. How it develops to the endgame is another problem,” aniya.
Ang pahayag ng Pangulo ay kaugnay sa kanyang sinabi sa ASEAN Leders’ Summit hinggil sa kampanyang kontra-illegal drugs na umani nang pagbatikos dahil lumobo ang kaso ng extrajudicial killings mula nang maluklok siya sa Palasyo.
Ikinuwento ng Pangulo sa ASEAN leaders na maraming tulong ang ibibigay ng China sa kanyang drug war partikular ang pagtatayo ng rehabilitation center.
Hindi aniya kayang tustusan ng kanyang administrasyon sa kasalukuyan ang gastusin sa drug war dahil kapos sa budget.
Nang maupo siyang Pangulo noong Hunyo 30 ay pondo na lang para sa miscellaneous and other operating expenses (MOOE) ang kanyang inabutan.
“There will be plenty and China has committed to help us. I do not think that it has placed its limits there. The thing is I uttered it in a Summit, when everybody was – except the members – were excluded. And I said that we have this problem about, a serious, grave problem about drugs. And I informed the body that as a matter of fact China has offered its help, to which we responded with gratitude. We need it. We are short—I said I am, I entered the presidency midterm. Wala na tayong mga capital expenses, expenditure. Puro MOOE. Mga MOOE. Mga ano na lang, sweldo ganon.So, I am—This budget that I’m operating now was prepared the other year. So it is implemented this year. No one ever expected about the hugeness of the problem of drugs. I thought all the while that I was controlling drugs in the City of Davao fairly well. But sometimes, with, you know, the drawbacks of being… you blurt some threats and intimidation. But I think it’s legal and necessary,” aniya.
( ROSE NOVENARIO )