ITINANGGI ni Ms. Tates Gana na binu-bully ang kanilang anak ni Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na si Harvey Gana sa school nila. May kinalaman umano ito sa pagkakasangkot ni Mayor sa droga dahil sa isyu kay Councilor Hero Bautista.
May tsika pa na affected umano ang bata. Unang-una, nagkatrangkaso si Harvey at mataas ang lagnat kaya naospital. Uso naman talaga ngayon ang trangkaso dahil sa naghalong init at lamig ng panahon ngayon.
“Hi friend, wala naman akong alam na ganoon,” text tsika ni Ms. Tates.
Actually, politically motivated ang paagkakadiin kay Bistek sa illegal drugs kaya nararapat lang an magbigay siya ng official statement.
“I am not and will never involve myself in the illegal drug trade. Anti-drug is my advocacy since I was 17 years old,” deklara ni Bistek.
Kung anuman ang nagawa ni Hero ay hindi dapat isisi kay Mayor Bistek dahil 48 years na ito at may sariling pamilya. Nakabukod ito sa kanya at may sariling buhay.
Dapat din na hindi madamay ang mga inosenteng anak nila sa isyung ito lalo’t walang sapat na basehan ang paratang sa kanya.
Anyway, mapakikinggan si Ms. Tates sa kanyang radio program na Serbisyo Publiko sa DZRJ 810 AM, mula Lunes hanggang Biyernes, 11 to 12 noon.
Boom!
***
HATAW ang mga dancer sa big night ng White Bird, Roxas Boulevard, Baclaran, Paranaque sa September 18 , 2016. Search for The Dance Crew ang tema. Sa mga dance group na gustong sumali at sa maga gustong manood tawagan si Gretta Locca 09291282504 at si Gellie Imperial 09215571113. Maaari ring tumawag sa 8512088, 8512089 para sa ibang detalye.
TALBOG – Roldan Castro