HINDI nakapalag ang world leaders, kasama sina US President Barack Obama at UN Secretary-general Ban Ki Moon nang ipamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walang habas na pamamaslang ng tropang Amerikano sa mga Filipino noong Fil-Am War.
Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Indonesia kahapon, sinabi ni Duterte na sinamantala niya na nakaharap sina Obama at Ban sa ASEAN-East Asia Summit sa Laos kamakalawa para mailitanya ang human rights violations ng mga Amerikano sa Filipinas.
Sinadya ni Duterte na hindi basahin ang inihandang statement ng kanyang mga opisyal kundi inilabas ang mga kopya ng larawan ng mga bangkay ng Filipina na hubad at tinapakan ng mga sundalong Amerikano.
Nakahanda aniya siya sa komprontasyon at makipag-debate kay Obama hinggil sa isyu ng human rights dahil pareho silang abogado ng US President.
“Pero doon kahapon sa interaction na ASEAN with East Asia, nandon na lahat. Round table kami. Sabi ko, itong si Ban Ki Moon, mentioned it in passing. Well of course, it’s an illegitimate statement. Pero ako, because of the pressure, na para huminto na sila, sabi ko, ‘since human rights was mentioned, I produced a few pages with pictures in the pacification campaign by the Americans at the turn of century… the 600 population… almost 600,000 Muslims, 6,000 were murdered. They were just buried in a common pit. Naghukay lang tapos ‘yung mga sundalo pinapatungan pa ‘yung dibdib ng babae na nakahubad. This is human rights? What do you intend to do? Do not tell me that is water under the bridge. A human rights violation whether committed by Moses or Abraham is still a violation of human rights.”
“When was this philosophy about the human dignity and the human rights evolved? Now or during this time? E, tumahimik sila. I was—Kasi ako handa na ako, I was waiting for Obama to respond. E dito, abogado ‘to, abogado tayo. Pareho man tayo abogado,” kuwento ng Pangulo.
Napikon si Duterte sa pagsawsaw ni Ban at ng US State Department sa usapin ng extrajudicial killings sa bansa samantalang principles ang kayang itulong nila, hindi tulad ng China na aayuda sa pagtatayo ng rehabilitation centers sa Filipinas.
Binigyang-diin ng Pangulo sa ASEAN-East Asia Summit, hindi itinuturing ng US na human rights violation ang pagpatay ng mga pulis sa mga walang labang sibilyan sa kanilang bansa ngunit sa Filipinas ay itinuturing na paglabag ang pagpaslang ng awtoridad sa mga kriminal.
“And then doon napika na talaga ako, tapusin na natin ‘tong issue about the human right, takut-takutin mo ako. Itong kasing State Department para itong mga ulol na nagsama-sama diyan. Para bang… Well it… Kung tayo, violation. Sa kanila, hindi. ‘Yung mga tao nandoon sa ano, pinagpapatay ng pulis, nakahiga lang sa… At ang hindi nila alam ‘yung lahat ng tao doon, hindi kanila… Pero, there was never, never any—Now, ito ngayon. What am I supposed to do? China offered to help and build the rehab. I think… bringing the materials there. It’s only China na nagtulong sa atin. Magtulong. They just give you principles of law. Wala man akong away sa America. But don’t ever believe that…Susmaryosep. Hindi nila alam lahat doon, pati ito si Ban Ki Moon, nakihalo. He also gave his statement before, several weeks ago about the human rights violation. Sabi ko, isa ka pang tarantado. Kaya nag-speech siya, may human rights pero tapos …Sabi ko, there has to be a limit to ones… Never gave any statement here. I made statement, statement of fact doon mismo sa plenary. ‘Yung kami-kami na lang. Pinalabas ‘yung mga camera, lahat, press. Kami lang. Sila, si Jun Yasay, si Panelo and the two generals, nandoon sila. And I think Sonny Dominguez was there. So they were squirming at first. Pero ako, walang nakaalam na ‘yung speech ko hindi ko binasa. When it was handed to me, it was General Esperon who handed it to me. ‘This is my speech,’ tinapon ko nang ganon, kung makinig kayo sa akin. Mahusay ako sa inyong lahat. Anak ng puta…,” anang Pangulo.
Gusto sanang ipagmalaki ng Pangulo sa kaharap na world leaders sa East ASEAN-Asia Summit na 40-taon na siyang nasa politika at kahit minsan ay hindi siya natalo sa eleksiyon.
“Sabihin ko sana, ‘ako, I’ve been in politics for 40 years. I never lost an election. I became president. I really don’t know what happened basta nandito na ako ngayon sa harap ninyo,” dagdag pa niya.
Napaulat na makaraan ang event ay kinamayan lahat ni Obama ang nasa loob ng plenary maliban kay Duterte.
ni ROSE NOVENARIO
Sa East Asia Summit
DIGONG ‘DI KINAMAYAN NI BARACK
HINDI kinamayan ni U.S. President Barack Obama si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na East Asia Summit sa Laos, ayon sa source na dumalo sa nasabing event.
Ayon sa source, isa-isang kinamayan ni Obama ang mga delegado sa summit, maliban kay Duterte.
Ngunit binalewala ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., ang insidente nang kapanayamin ng media sa Jakarta, Indonesia, sa state visit ni Duterte.
Sinabi ni Yasay, wala nang oras si Obama na makipagkamay kay Duterte dahil ang pangulo ng Filipinas ay kailangan nang umalis para sa bilateral talks sa Russia.
Nang bumalik aniya sa pulong si Duterte ay nakaalis na si Obama.
‘DI KITA MINURA
KINOMPRONTA ni Pangulong Rodrigo Duterte si US President Barack Obama sa Laos para ipabatid na hindi niya minura ang pangulo ng Amerika.
Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Indonesia, sinabi ni Duterte, nang makaharap niya si Obama sa holding room sa National Convention Center sa Laos ay hinamon niya ang US President na repasohin ang video na nagmura siya.
“Kaya sinabi ko sa kanya doon sa holding room, ‘President Obama, I’m President Duterte. I never made that statement; you can check it out. Check it out.” Sabi niya, “My man will talk to you.” Sabi ko, “Okay.” ayon sa Pangulo.
Giit ni Duterte, media spin lang ng American media ang translation ng sinabi niyang ‘p***ng ina’ sa English na “son of a whore” para palabasin na masama siya at ulanin ng batikos.
“At itong Amerikano mahusay talaga, Americans really can spin a story. They use the predicate or the adjective that is really worst to hear. Now let me just give you, people judge best when they condemn. Ang pinakamahusay na husga ng tao, iyong pinakamahirap para—kung maghusga siya sa kanyang kapwa. Lalabas iyong—the best of the—people judge best when they condemn. Iyong p****ina sa atin, they connected with the word “son of a whore.” A ‘whore’ is a very terrible thing to hear. I was talking all along in the dialect. The best combinations thereof the words, translating it to English, and they do it every day, “son of a bitch,” “son of a gun,” ‘di ba? Eh p***ina sa atin, sa—if the Filipinos will try to utter it we would have said, “he is a son of a bitch” and you heard of “son of a gun” or “fuck you.” Pero it is not translated in any ordinary day and ordinary lang you say, “son of a whore.” Pero ginamit nila iyan, kaya siguro si… took offense. Tignan mo mag gamit ng international press, I said “you better watch out.” Pangkaraniwan sa akin—everybody man here, whether American, African or—who knows English would surely say, “son of a bitch,” “son of a gun,” it is not “son of a whore.” There’s never a translation for that, ‘di ba?” anang Pangulo.
Ngunit kahit aniya pinayuhan siya na mag-ingat sa pagsasalita sa international media ay walang pakialam ang Pangulo dahil ang pananagutan niya ay sa sambayanag Filipino at hindi siya Presidente ng international community.
Itutuloy ni Duterte ang kampanya kontra kriminalidad kahit ano pa ang sabihin sa kanya ng sino man.
( ROSE NOVENARIO )