Friday , November 15 2024

Condominiums target ng “Oplan Tokhang”

Dragon LadyTARGET ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang high-end condominium buildings, bukod sa pagsasagawa ng operasyon sa mga subdibisyon na sakop ng Southern Police District.

Bahagi ito ng programang “Oplan Tokhang” na may kaunayan sa mga ilegal na droga. Ngayong buwan ng Setyembre ito sisimulan. Ang pagkatok sa mga pintuan ay hindi nangangahulugan na nasa drug watchlist  ang kinakatok.

Para sa mga information dissemination ng PNP.

***

Sa rekord ng SPD mula buwan ng Hulyo, hanggang kasalukuyan, nasa 15,500 bilang ng mga kabahayan ang sumailalim sa “Oplan Tokhang” kabilang ang mga nasa exclusive subdivision at umabot sa 10,800 mga sumuko, 1,200  ang inaresto at nasa 44 na ang napatay sa operasyon ng pulisya.

***

Nangangahulugan matagumpay ang “Oplan Tokhang” kaya hindi kataka-taka na ang SPD ay makakuha ng award bilang isa sa pinakamagaling na distrito ng PNP sa larangan ng operasyon ng ilegal na droga.

Mabuhay ka SPD Director P/Senior Supt. Tomas Apolinario!

Teka kelan ang ranggong Heneral?

EX-ENGINEER NG LAGUNA

MAMBUBUKOL!

Sino ang dating Engineer ng  Kapitolyo ng Lalawigan ng Laguna na ngayon ay tumatayong Pangulo ng Federation of Senior Citizens sa isang bayan na sakop ng 3rd District ng lalawigan ng Laguna, na hindi ibinibigay ang P500 pensiyon ng Senior Citizens, mga lehitimo naman na nakarehistro sa tanggapan ng OSCA sa nasabing lalawigan.

***

Ang nakatatawa sa gunggong na ex-engineer, 67-anyos pataas ang bibigyan ng P500 piso, gayong ang edad ng Senior Citizen ay magsisimula sa 60 anyos.Hindi lamang pala mambubukol tunggak, bobo si Ex-Engineer, mandurugas pa! Pati ba naman ang P500 para sa mga senior citizens ay dinudugas pa! At kung meron man nakatatanggap ay ‘yung mga kamag-anak, kaibigan niya! Dapat itong pakialaman ni Laguna Governor Ramil Hernandez!

Governor, baka naman puwede aksiyonan mo ang problemang ito!

Si First Lady ng Parañaque ang Pangulo ng MMDA Ladies…

Dahil sa laging kaagapay ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa lahat ng kanyang magagandang proyekto, hindi na dapat magtaka kung ang misis niya na si Ate Janet Olivarez ang mapiling Pangulo ng Metro Mayor’s Spouses Foundation Inc.(MMMSFI), isang fund raising for C.H.I.L.D. na ang pangunahing adhikain ay makatulong sa mga batang cancer patients na nasa Pediatric Hematology at Oncology Section ng Philippine General Hospital PGH) sa Maynila, Kasama sa programa ni Mrs. Olivarez ang pagkakaroon ng seminars at training sa mga kababaihan,na makapagbibigay ng tulong sa kanilang pamilya at makapagpapabago ng kanilang kinabukasan. Pagpapakita na si Mrs. Olivarez, gaya ng kanyang mister na si Mayor Olivarez ay maituturing na Mr. and Mrs. Public Service!

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *