Saturday , November 16 2024
PHil pinas China

Digong sa China: We are watching you

WE are watching you.

Ito ang mensaheng nais iparating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China nang ipamahagi sa media ang mga larawan ng Chinese ships malapit sa Scarborough o Panatag Shoal, isa sa inaangking mga teritoryo ng Beijing sa South China Sea.

Sa press briefing sa Laos, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, binigyan ng go-signal ni Pangulong Duterte ang pagsasapubliko ng mga retrato ng Chinese ships sa Panatag Shoal na sakop ng Masinloc, Zambales.

“Basically, its simply to announce that we are aware of any movements in the area,” aniya.

Binigyang-diin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ni Chinese Premier Li Kequiang, ang kahalagahan nang pagsunod sa “rule of law” sa South China Sea sa ASEAN-China Summit kahapon.

“As to the Philippines, this is what President Duterte explained earlier: It is imperative to have people-to-peace exchange, investment relationship fostered, tourism growth in ASEAN region, international dispute should inspire to work together with adherence to the rule of law and international governing bodies, put words into actions, and be on the side of peace,” ani Andanar.

Aniya, walang emosyon ngunit taimtim na nakinig si Li habang nagsasalita si Pangulong Duterte.

“He was stoically listening,” sabi ni Andanar sa reaksiyon ni Li kay Duterte.

Hindi aniya binanggit ni Pangulong Duterte ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na sakop ng 200-mile exclusive economic zone ng Filipinas ang mga inaagaw na teritoryo ng China sa South China Sea.

Ang Indonesia, Malaysia at Singapore aniya ay boluntaryong binanggit ang usapin ng South China Sea sa summit.

“It was voluntarily raised by the different heads of state. They have their own different positions but the most common position is to work on mutual trust and confidence building and work on the common goals of the ASEAN,” dagdag ni Andanar.

Hinirit aniya ni Li na simulan na ang pagbabalangkas ng Code of Conduct, pati na ang Sinagpore na inayudahan ni Duterte.

“China was vigorously asking to begin with a framework of the code of conduct, as well as Singapore. The President of the Philippines also expressed his approval of having this,” aniya.

Sa kabila ng mainit na usapin ay hindi naging tensiyonado ang summit bagkus seryoso ngunit masaya ang lahat, ani Andanar.

“Everyone looked very serious but happy. Some of them were smiling while they were on stage holding hands and having photo opportunity. No tension,” sabi niya.

Bago nagpunta sa Laos, inihayag ni Pangulong Duterte na may barge mula sa China ang namataan ng Philippine Coast Guard malapit sa Panatag Shoal.

Naniniwala si Duterte na construction materials at panambak ang karga ng Chinese barge na ang layunin ay palawakin pa ang itinayong estruktura ng China sa Panatag Shoal.

( ROSE NOVENARIO )

JAPAN NANGAKO NG 2 BARKO SA PH

VIENTIANE, Laos – Panibagong commitment na tulong sa Filipinas ang ipinaabot ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang dalawang frigates o barkong kagaya ng BRP Gregorio del Pilar.

Ito ay bukod pa sa naunang 10 coast guard patrol ships na ipinangako ng Japan para sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Una rito, sa kanilang bilateral meeting, personal na ipinaabot ni Japanese Prime Minister Abe kay Pangulong Duterte ang pakikiramay at pakikisimpatya sa mga naulila sa pagpapasabog kamakailan sa Davao City night market.

Ayon kay Abe, kaisa ng Japanese community ang mga nasaktan sa nasabing trahedya.

Kasabay nito, inamin ni Abe na maging sa Japan ay kilalang-kilala rin si Pangulong Duterte at maging siya ay “excited” makita siya nang personal.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *