TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paanyaya ni Prime Minister Shinzo Abe na bumisita siya sa Japan, sa kanilang bilateral meeting sa sideline ng 28th ASEAN Summit sa Vientiane, Laos kahapon.
Binigyan-diin ni Duterte, ang Japan ay “old friend and pre-eminent partner” ng Filipinas.
“Japan is an old friend and a pre-eminent partner of the Philippines. The two countries are strategic partners who share common values of mutual respect, cooperation and adherence to the rule of law,” aniya.
Tuwang-tuwa si Abe nang makaharap si Duterte at sinabi na hanggang sa Japan ay sikat na sikat ang Pangulo.
“Mr. President is quite a famous figure also in Japan and I’m very excited to see you in person,” ani Abe.
Kinondena ni Abe ang pambobomba sa Davao City at nakiramay sa mga biktima at naulila nang pag-atake ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).
( ROSE NOVENARIO )