UPANG huwag mangyari sa siyudad ng Las Piñas, ang malagim na pagsabog sa Davao City na ikinamatay ng 14 katao at grabeng ikinasugat nang marami, nananawagan si Mayor Imelda Aguilar sa lahat ng residente na makipagtulungan at makiisa sa ipinatutupad na 24-oras checkpoints.
Sa mahigpit na seguridad ng pulisya, nasakote ang isang grupo ng mga lalaki na may dalang bangkay sa loob ng sasakyan nito, na hinihinalang biktima ng summary executions. Dahil nakabalot ang mukha nito ng packaging tape at may karatulang, “Tulak ako, magnanakaw, ‘wag tularan.”
Gayondin, paalala ng Mayora, iwasan munang magbabad sa matataong lugar upang makaiwas sa nagaganap na pambobomba samatataong lugar, gaya ng malls.
CELEBRITIES NA LULONG SA DROGA KABADO
Kabado ang celebrities na gumagamit ng ilegal na droga, dahil malapit nang isambulat ng PNP ang mga kanilang mga pangalan. Pero nakikiusap ang aktor na si Robin Padilla sa PNP na huwag nang ibulgar ang mga pangalan ng mga celebrity na gumagamit ng ilegal na droga dahil makaaapekto sa mga kontrata nila.
Pero hindi payag ang PNP, dahil ‘yun ngang mga Heneral ay binanggit ang mga pangalan, bakit hindi ang celebrities? Kung nakikita sila on camera, dapat lamang malaman ng fans na ang kanilang iniidolo ay bad influence sa masa!
SEX, DRUGS, ITUTURO NA SA PUBLIC SCHOOLS
Kombinsido ang Department of Education na panahon na para ituro sa public school students ang tema ng ilegal na droga, gender development, sex education, upang mamulat ang kabataan sa epekto nito lalo sa mga murang edad at malayo sa ano pa mang kapahamakan.
Ang intensified drug campaigns sa mga kabataan na Grade 4 students ay tuturuan na sa subject na Science and Health. Magpapalabas ng mga pelikula na panonoorin sa loob ng klase. Ang masamang epekto ng ilegal na droga, gayondin, ang pagtuturo ng sex education, upang mailayo ang mga kabataan sa kapahamakan.
Isa ang bansa natin na nasa listahan ng may mataas na teenage pregnancy.
ISUMBOMG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata