HIMIRIT ng anak si Alden Richards sa ending ng kalyeserye ng Eat Bulaga kay Maine Mendoza.
Gulat na gulat naman si Maine at puwede raw ba na si Alden na lang ang baby niya?
Baby oil naman ang tawag ni Maine kay Alden.
Bagamat nagwakas na ang naturang segment ay may sundot pa sila na “‘Pero ang Kalyeserye hindi pa natatapos. Kalyeserye shall return.”
Samantala, bilang paghahanda raw sa teleserye nina Alden at Maine ang ginawang pagtatapos ng kalyeserye na itinaon sa kanilang 59thweeksary.
Tama rin naman na bago tuluyang pagsawaan ang kalyeserye ay tapusin na. Mas maganda nga naman ‘yung wawakasan na ito habang gusto pa ng tao. Mahirap din itong pahabain pa kung lumalaylay na.
Tama rin na pumunta sa ibang level ang AlDub sa telebisyon at hindi nakakahon sa kalyeserye.
Nalungkot lang ang ilang netizens dahil natapos na’t lahat hindi man lang nakita si Lola Tidora (Paolo Ballesteros). Hindi man lang daw nakaeksena nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo).
Pero matunog naman ang tsika na may part 2 ang kalyeserye at at bumalik na rin noong Lunes si Paolo sa Eat Bulaga.Anim na buwan din ang suspensiyon sa aktor/host na nagsimula noong Marso 11.
Kung ating matatandaan, nasuspinde si Paolo dahil sa ginawang Facebook rant niya noong March 10, kaugnay ng hindi raw pag-asikaso sa kanya at sa mga kasama niya sa hotel na kanilang tinuluyan sa Subic para sa Ad Summit 2016.
Sa pagbabalik ni Paolo, nagbiro si Jose kung sino naman kaya ngayon ang mawawala sa kanila?
Sa kabilang banda, mapapanatag na rin ang kalooban ni Wally na biktima ng malisyosong basher. Inakusahan kasi siyang minamanyak umano si Maine nang minsang punasan niya ito ng pawis sa noo.
Ni sa panaginip wala sa utak ni Wally na pagnasaan si Maine.
Paglilinaw nga ng komedyante, mainit sa labas na pinagdausan ng segment ng EB. Nagmalasakit lang siya na punasan ng tissue si Maine dahil nakita niyang butil-butil ang pawis nito. Baka raw mahapdi sa mata ‘pag natuluan ito. Nagmalasakit na nga si Wally, inakusahan pa siyang nilalaswa si Maine.
Pak! Ganern!
TALBOG – Roldan Castro