Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Olive, sobra ang pagka-perfectionist

Kasama rin sa pelikula si Aiko Melendez na gumaganap na tiyahin ni Daniel. Ayon kay Aiko, ikalawang beses na niyang nakatrabaho si Direk Olivia.

“Nakasama ko na siya roon sa unang movie na ginawa niya, ‘yung ‘Maalaala Mo Kaya (The Movie)’. Kaya noong i-offer sa akin itong ‘Barcelona’, noong ipinadala sa akin ‘yung script, hindi ko na ‘yun binasa, go na agad ako kasi nalaman ko na si Inang pala ang magiging direktor namin,” sabi ni Aiko.

Kilalang mabusising direktor si Direk Olivia, perfectionist ito. Kaya kahit mahusay na aktres si Aiko ay may isang eksena siya sa Barcelona na naka-take 13 siya.

“’Yung eksena kong ‘yun, kasama ko roon si Kathryn. Simple lang naman ‘yung eksena, kaya lang dahil nga mabusisi si Inang kaya ayun nakaraming take ako,” natatawang kuwento ni Aiko.

Ang Barcelona: A Love Story Untold ay showing na sa September 14. Tampok din dito sina Ana Capri, Joshua Garcia, Liza Dino, Cris Villanueva, Joey Marquez, at Ricky Davao.

( ROMMEL PLACENTE )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …