Friday , January 10 2025

Desisyon ni Widodo handang tanggapin ni Duterte (Sa kaso ni Mary Jane Veloso)

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, mamamagitan siya sa kaso ni Mary Jane Veloso, nasa death row sa Indonesia, ngunit idinagdag na handa siyang tanggapin ano man ang maging desisyon sa magiging kapalaran ng Filipina.

Sa press briefing sa Davao City kahapon bago umalis patungong Laos para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Duterte, makikipagpulong siya kay Indonesian President Joko Widodo sa kanyang pagbisita sa Indonesia makaraan ang summit.

“I may just have to ask Widodo in the most respectful and very very courteous way. And if my pleadings will fall on deaf ears, I am ready to accept it,” pahayag ni Duterte, idinagdag na hindi siya nagdududa sa judicial system sa Indonesia.

“I will plead for mercy. But if I am denied, I will be grateful that she has been treated very well,” aniya pa.

Iniliban ang execution kay Veloso sa pamamagitan ng firing squad nitong Abril 2015 upang hayaan siyang makapagbigay ng testimonya laban sa mga recruiter na nanggoyo sa kanyang dalhin ang 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia noong 2010.

Ang hinihinalang mga recruiter na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao ay nahaharap sa kasong  illegal recruitment sa local court sa Nueva Ecija.

Si Duterte ay nakatakdang magtungo sa Indonesia sa Setyembre 8 hanggang 9.

Nauna rito, sinabi ng Malacañang, habang nasa Indonesia ay maaaring bisitahin ni Pangulong Duterte sa kulungan si Veloso.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *