Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-‘oo’ ni Maine kay Alden, pampakilig lang; Non-showbiz BF, itinatago

NAGDUDA ang ilang netizens sa pagsagot ni Maine Mendoza kay Alden Richards sa Eat Bulaga ng ”Oo Alden, mahal din kita”. Bakit daw idinaan sa national television? Pampakilig lang daw ba ito sa AlDub at sa kalye-serye?

Hindi maramdaman ng karamihan ang sincerity at kung ano ba talaga ang totoo? Sumasabay lang ba sila sa kilig at pagpapakatotoo ng JaDinengayon? O, kaya ang obvious na relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa mga holding hands at patong ng kamay sa hita?

Marami ang nagtatanong kung scripted daw ba ang aminang naganap? Pinaglalaruan lang daw si Alden ni Maine at ang mga fan?

Pinagtatakpan lang daw ba ang kumakalat na larawan ng non-showbiz boyfriend umano ni Maine na nagngangalang Miggy Villapando?

Bina-bash kasi si Maine dahil sa koneksiyon niya umano kay Miggy. Kahit nililinaw ni Maine na friends lang daw sila ni Miggy, biktima rin siya ngayon ng mga basher.

Sey nga ng isang follower: ”Kc kumakalat ung pics nyo, sana ma-clear un, if kau edi ok if not edi ok din, at least naging honest ka, kc minsan ang unfair na kay Alden si Alden puro chismis lng ung kanya pero grabe sya i-bash while ikaw maraming proofs pinagtatanggol ka pa din.”

Anyway, kung sina Alden at Maine na nga, ‘di maging happy na lang tayo sa kanila.

Eh, ‘di wow!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …