Friday , November 15 2024

5 ektaryang lupa donasyon ni konsehal

KUNG  ang lahat ng mayayaman sa lupain ay gaya ni Councilor Reynan Ponce Morales, na handang mag-donate ng limang ektaryang lupa bilang bahagi ng pag-aari na 12 ektaryang lupa sa Nueva Ecija, para gawing rehabilitation center sa nasabing probinsiya, hindi na pala kailangan gumastos ang gobyerno sa pagbili ng lupang tatayuan ng rehabilitation center.

Maging mga adik sa Maynila ay puwede na doon i-rehab. Si Morales ay bise presidente ng Philipphine Councilors League (Nueva Ecija- PCL) chapter.

***

Layunin ni Konsehal na itayo sa limang  ektaryang lupa ang Nueva Ecija Bespren Rehabilitation and Treatment Center. Makatutulong ito sa 500 tao na pawang drug dependents. Hindi lang ‘yan mga ‘igan, balak din ni Konsehal Morales na bigyan ng tulong-pinansiyal ang mahigit 300 konsehal sa 27 bayan at limang lungsod ng  Nueva Ecija upang masustena ang programa kontra drug dependents sa kanilang pagbabagong-buhay.

Ang lupain na nakatakdang i-donate ni Morales ay matatagpuan sa  Barangay Bakodbayan, Cabanatuan City.

Umabot na pala sa 7,000 drug personalities ang sumusuko sa bayan ng Nueva Ecija mula nang maupo sa kanyang puwesto bilang Gobernador si Gov. Cherry Umali , noong Hulyo 1,2016.

Ilan pakaya ang tulad ni Konsehal Morales? SALUDO!

NHA WALANG LIBRENG PABAHAY

ABOT-KAYA pero hindi libre ang mga pabahay ng National Housing Authority (NHA).

Inilinaw ito ni NHA Acting General Manager Marcelino Escalada, dahil hindi tumitigil ang mga nagpupunta sa kanyang tanggapan upang alamin ang katotahanan na iniaanunsiyo sa social media o sa facebook, na may libreng pabahay ang NHA. Ang abot-kayang pabahay ng NHA ay nakalaan sa informal settlers na nakatira sa danger zones, mga apektado ng infrastructure projects ng gobyerno at kalamidad, gayondin para sa mga katutubo.

HIV-AIDS

SA KABATAAN

LUMOLOBO

Nakababahala na dumarami ngayon ang mga kabataan na nagtataglay ng sakit na HIV/AIDS.

Nitong nakaraang buwan ng Mayo, batay sa rekord ng DOH ay may naitalang 300 kaso ng HIV.

Nakatatakot, dahil hanggang ngayon ay wala pang  natutuklasang gamot para sa sakit a HIV/AIDS.

Panahon na upang magkaroon ng Youth Health Advocates sa bansa para labanan ang HIV-AIDS.

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *