Saturday , January 11 2025

EJKs resulta nang paglabag sa Omerta

083116_FRONT

KOMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na itinutumba ng mga galamay ng drug syndicates hindi lang ang mga karibal na sindikato, kundi maging sarili nilang mga tauhan na ikinanta sa awtoridad ang kanilang operasyon.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa 18th founding anniversary ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kamakalawa ng gabi, sinadya ng kanyang gobyerno na gumawa ng intriga sa mundo ng illegal drugs para sila-sila ang mag-away-away gaya ng mga nobela hinggil sa Mafia.

Sa Mafia aniya ay mortal sin o napakabigat na kasalanan ang ‘kumanta’ sa awtoridad.

Kamatayan ang parusa sa sino mang lumabag sa “Omerta” o Code of Silence ng sindikato.

“Magwawala ‘yan. Look ganito ‘yan e. At the start, talagang pinasok namin ‘yung intriga na si ‘A’ ang, nagturo… si B ang nagturo sa’yo. So, hayaan mo lang. Hulihin mo at let him out. He wants to fix the things, let him. Tapos, we need to look for ‘B,’ and si ‘C’ naman sabihin namin na si ‘A’ ang… sa’yo. Tapos hulihin namin. O sige: You want to bail? Okay. No po, walang problema paglabas ’yun nga. So we sowed intrigues. I got it from reading so many books about Mafia. So, it’s just a… sayang walang Mafia dito. I could be the head of Omerta. Bright na ako riyan sa intriga and we started that,” kuwento ng Pangulo.

Hindi aniya mag-aaksaya ng panahon ang pulis na balutin ng kung ano-ano ang isang drug user/pusher bago patayin at itapon ang bangkay sa iba’t ibang lugar at ito’y gawain ng sindikato.

“Kaya ‘yung mga balot-balot, it’s torture, that’s not ours. Maniwala ka. Ang intention ko lang, panahon ni Dela Rosa. Hindi nga niya masuklay ‘yung buhok niya. Tapos, magbalot pa siya ng tao? You just shoot the guy and throw him there. Why do you have to—? Ilang oras gawin mo ‘yan? ‘Yan ang trabaho ng kabila. ‘Yan ‘yung torture nila. So hindi lahat ng… baka government, government, lahat na lang government,” ayon sa Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo, ginagawang drama ng human rights groups ang mga napapatay sa drug war kahit hindi kagagawan ng mga awtoridad at kapag kinagat ito ng publiko ay malaki ang posibilidad na magaya ang Filipinas sa mga estado sa South America na umiiral ang narco-politics, tulad ng sa aklat ni Ioan Grillo na “El Narco.”

“That’s the drama that’s being played out to you. So you choose. Me, I’m a hardliner; me, I’m ready to kill because you destroy my country. I’ve been telling you: Do not destroy this generation or if you allow everybody to just come in and invite them to do business sa drug industry, then there is no tomorrow for your grandchildren. Wala, you’ll end up just like the failed states of South America. Basahin mo ‘yung kay Ioan Grillo, and how they operated led to — ‘Yung mayor noon, babae. She takes her oath of office in the morning, in the afternoon, she’s dead,” dagdag niya.

Pabor ang Pangulo na ituloy ang barangay at SK elections kapag tapos na ang isinusulong niyang drug war upang hindi na maimpluwensiyahan ng druglords ang halalan.

“That is why I am in favor of… Senator, ‘yung postponement ng election. Because there is a war going on and you know, pag ginamit ng mga ano ‘to, tatapusin ko muna ‘to sila. So, kakapunin ko ‘to, castrate them so that they will not, because otherwise, next thing that you’ll realize is that we have a narco-politics. Sabi ko: In three to seven years time, papasok ‘yan because of the so many billions. And I’ll have to destroy their lieutenants. If the lieutenants is rich, e ‘di poor, ganon rin. You know, I cannot be selective, there is a war,” aniya.

DRUG MONSTER HINAYAAN NI PNOY

BAGAMA’T ayaw manisi ni Pangulong Rodrigo Duterte, tahasan niyang sinabing hinayaan nang nakaraang Aquino administration ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte, walang ginawa, bagkus pinabayaan lamang nang nakaraang administrasyon ang paglaki ng aniya’y halimaw na sumisira sa mamamayan.

Ayon kay Pangulong Duterte, maging siya ay nagulat nang makita ang lawak ng problema nang maupo na bilang pangulo.

Kasabay nito, muling idinepensa ni Pangulong Duterte ang kanyang diskarte nang pagresolba sa drug crisis at pagpapatupad ng hustisya.

Iginiit ni Duterte, wala nang karapatang mabuhay ang mga nagluluto at nagbebenta ng illegal na droga dahil ilang buhay at pamilya ang kanilang sinisira.

Hindi kombinsido ang pangulo na dapat may ‘special treatment’ sa mahihirap na pusher dahil hindi puwedeng palusot o dahilan ang pagiging mahirap para magbenta ng ilegal na droga.

PH TRANSSHIPMENT POINT NG DRUG TRAFFICKERS

TUMATAYONG ‘transshipment point’ ang Filipinas sa kalakaran ng ilegal na droga sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Ito ang pahayag ni PDEA Director General Isidro Lapeña sa isinagawang briefing ng House Committee on Dangerous Drugs.

Bukod dito, ginagamit aniya ng drug trafficers ang Filipinas bilang ‘destination point’ ng chemicals para sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot, na ibinabahagi sa mga karatig bansa.

Sinabi ni Lapeña, ang mga bansa sa South East Asia, kabilang ang Filipinas, ang may pinakamaraming gumagamit ng shabu, lalo aniya ang pinakamura sa nasabing rehiyon.

Ngunit kompiyansa aniya siya na patuloy na hihina ang kalakaran ng ilegal na droga sa bansa bunsod nang maigting na kampanya ng pamahalaan kontra illegal na droga.

P5.2-B LUGI NG DRUG SYNDICATES

NAHIGITAN ng accomplishments ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra ilegal na droga, ang mga naitala sa unang anim na buwan ng taon.

Sa briefing ng House Committee on Dangerous Drugs, sinabi ni PDEA Director General Isidro Lapeña, katuwang ang Philippine National Police (PNP), umabot sa P5.44 bilyong halaga ng ilegal na droga ang kanilang nakompiska mula noong Hunyo 30 hanggang Agosto 25.

Nasa P3.85 bilyon halaga ng ilegal na droga ang kanilang nakompiska mula noong Enero hanggang Hunyo 29.

Bukod rito, may kabuuan na 673,978 drug personalities ang sumuko mula noong Hulyo 1 hanggang Agosto 22.

Ibig sabihin, bumaba ang bentahan ng shabu ng 1,040 kilos, na nagkakahalaga ng P5.2 bilyon.

Dahil sa datos na ito, kompiyansa si Lapeña, patuloy na bababa ang bilang ng mga nasasangkot sa ilegal na droga sa Filipinas.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *