Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Till I Met You, panalo sa mga kilig na eksena

MARAMI  ang nag-aabang kung ano ang pasabog ng JaDine sa pagbabalik primetime nila sa ABS-CBN 2. Mas marami bang halikan?

Ayon kay James, gusto nila ang istorya ng Til I Met Younat interesting daw ‘yung chemistry of friendship  sa serye. Sey naman ni Nadine, mas matured sila at marami raw mangyayari.

Idiniin din ni James na wala na siyang oras na gumimik sa mga bar dahil sa trabaho. Kahit daw noong bumalik sila galing sa taping sa Greece ay halos araw-araw ay may work siya.

Hindi naman sa may nagbabawal pero wala na siyang oras para mag-party o gumimik sa bar.

Since, matagal-tagal na rin ang JaDine na nagsasama, tinanong namin kung gaano na nila kakilala ang isa’t isa. May mga itinatago pa ba sila o sa tingin nila ay may itinatago pa ang isa’t isa sa kanila?

Sey ni James ay open sila at feeling niya ay parang wala na silang itinatago.

“Wala… wala… wala kaming itinatago as in kilala na namin ang isa’t isa,” deklara naman ni Nadine.

Anyway, sinimulan na  kagabi ang seryeng inihahandog ng ABS-CBN at Dreamscape Television Entertainment, ang Till I Met You na tampok ang  real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre at ng pinakabagong primetime leading man na si JC Santos.

Panalo pa rin sa kilig na eksena  ang Till I Met You at  dapat ding abangan ang mga makipigil-hiningang tanawin ng Greece na kinunan ang ilan sa mga eksena ng serye. Isa na nga rito ang sikat na sikat na isla ng Santorini.

Mapapanood din sa Till I Met You sina Zoren Legaspi, Angel Aquino, Pokwang, Kim Molina, at Robert Seña. May espesyal na partisipasyon din sina Richard Yap at Jay Manalo. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Antoinette Jadaone atAndoy Ranay.

Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa Till I Met You, ngabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …