MARAMING dapat ipaliwanag ang communications group ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Base sa nakalap na impormasyon ng Hataw, milyon-milyong pisong pondo ng gobyerno ang sinasabing nakamal ng isang dating mataas na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at isang kaanak ni dating Presidente Aquino na ipinasuweldo sa “ghost employees” ng Palasyo.
Ayon sa source, may ikinasang media project ang PCOO na ipinasa sa isang private firm na ang trabaho ay i-coordinate ang pagpapakalat ng mensahe sa publiko gamit ang state media outlets, gaya ng PTV4, Philippine Information Agency (PIA), Radyo ng Bayan, Philippine News Agency (PNA), at IBC-13.
Bahagi ng trabaho nila ang news monitoring, analysis, research, at magpanukala ng kaukulang communications plan at bumili ang gobyerno ng information management system (IMS) at sariling server na nagkakahalaga ng P2 milyon na inilagay sa tanggapan ng Media ng Bayan Operations Center (MnB OpCen).
Kumuha ng mga dag-dag na kawani para sa monitoring ng balita, researchers, analysts, computer programmers para imantina ang server at database.
“Gumawa pa ng mala-king IMS program na may programmer at database managers. Siyempre government-owned dapat ang database at IMS program at kasama sa itu-turn-over sa gobyerno ni Duterte pagtapos ng administras-yong Aquino,” anang source.
Sinasabing hindi kasama sa turn-over sa admi-nistrasyong Duterte ang database at IMS program dahil napunta sa bahay ng private firm na inupahan ng PCOO.
Nabuko rin na tumanggap ng sahod na P40,000 kada buwan mula pa noong nakaraang taon ang 10 ghost employees na hindi kailanman nakita sa tanggapan ng OpCen.
“Napunta sa isang office sa Parañaque na pagmamay-ari ng isang may alyas na Ratala ang database at IMS na binili ng PCOO.
Malapit kay Maria ang isang Alan na may-ari ng Ratala at ang sampung kawani nito’y gob-yerno ang nagpasuweldo. Suki ni Maria ang kom-panya ni Alan sa kanyang media projects” sabi ng source.
Sangkot din umano sa alingasngas ang isang undersecretary at assistant secretary sa PNoy admin at isang mataas na opis-yal ng PIA, pati na ang kadugo ng dating Pangulo.
“Ang puno’t dulo niyan ay si Maria. Hinuhuthutan nila ng pondo ang PCOO para kabigin sa mga project at opisina nila katulad ng EDSA People Power Commission at Gawad Kalinga,” giit ng source.
Panawagan ng source, isailalim sa special audit ang pondo ng PCOO sa nakalipas na anim na taon dahil puwedeng may malaking ano-malya na matisod ang state auditors.
( ROSE NOVENARIO )