Saturday , November 16 2024

Libreng anti-drug ads mapapanood na ng publiko

ILALABAS ng pangunahing himpilan ng mga radio at telebisyon nang libre ang ginawang anunsiyo ni awarad-winning director Brillante Mendoza bilang ayuda sa pinaigting na kampanya  kontra illegal drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, mapapanood ang serye ng public service announcements (PSA) videos sa government-controlled PTV4 at nagpahayag na rin ang ABS-CBN na ilalabas ito nang libre sa kanilang himpilan.

Ang apat 30-seconder videos at dalawang 2-minute at 30-second ay sa direksyon ni Mendoza na libre rin ang serbisyo.

“Kapag nagpagawa ng 30 seconder sa mga ahensiya, umaabot ang gastos hanggang P4 milyon. Napakamahal [niyan] pero ang magandang balita ay ni singkong duling hindi tayo siningil ni director Mendoza at ito ay world-class,” ani Andanar.

Ipalalabas din sa 300 sinehan ng SM sa buong bansa ang PSA mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 30.

“Ang maganda rito, hindi tayo siningil ng SM. Libre ang pagpapalabas natin,” dagdag niya.

Nauna rito’y naglabas ng bi-monthly tabloid ang PCO na ipamimigay sa publiko sa buong bansa.

Ipinaayos na ang radio booth sa tanggapan ng Radio Television Malacanang (RTVM) upang magamit sa pagsasahimpapawid ng television show ni Pangulong Rodrigo Duterte na Gikan sa Masa na dati’y naanood sa local TV station sa Davao City.

( RN )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *