Monday , December 23 2024

166 records ‘di kasali sa FOI

INIREREPASO ng Palasyo ang mga ibinigay ng Department of Justice (DoJ) at Office of the Solicitor General (Solgen) na mga impormasyong hindi maaaring isapubliko sa ilalim ng Executive Order on the Freedom of Information.

Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, pinag-aaralan ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legislative Affairs (ODESLA) ang mga tinukoy na exceptions ng DoJ at Solgen sa FOI executive order.

“Hindi po ho final ‘yung ibinigay sa atin na exemptions ng DoJ at ng Sol Gen. Ito ho ay ire-review ng ating mga kasamahan dito sa Office of Deputy Executive Secretary for Legislative Affairs. So abangan na lang po natin ’yung pinaka-final na listahan na ilalabas ng ating ODESLA,” ani Andanar.

Batay sa draft FOI manual ng Malacañang, umabot sa 166 ang hindi puwedeng ibigay na impormasyon sa publiko ng sangay ng ehekutibo gaya nang may kaugnayan sa national security, executive privilege at invasion of personal privacy, batay sa rekomendasyon ng DOJ at Solgen.

“Government officials cannot be compelled to prepare lists and detailed reports on how congressional funds were disbursed,” pahayag sa draft.

Hindi maaaring makakuha ng kopya ang publiko ng school records, medical records, birth records, employment records, banking transactions, maging personal at sensitibong impormasyon sa mga tao na magreresulta sa pakikialam sa kanilang pribadong buhay.

Maaari lamang makakuha ng kopya ng statements of assets, liability and net worth ng mga opisyal ng gobyerno kung ito’y para sa pagbabalita ng media.

Upang bigyan proteksiyon ang mga negosyante at iba pang mga detalye sa kanilang business na nakalap ng gobyerno, hindi ito puwedeng ibigay sa publiko.

Ilang may kinalaman sa anti-money laundering at kaukulang transaction reports ay kabilang din sa listahan ng exceptions.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *