BAKIT mas maraming natutuwa sa tsikang nagkakalabuan na raw sina Barbie Forteza at Kiko Estrada? Parang marami sa netizens ang hindi boto kay Kiko para kay Barbie.
Nadulas ang young actress sa presscon ng first anniversary ng Sunday Pinasayanang sabihing lie low muna siya sa lovelife.
“Nagpapagaling pa ‘yung heart ko,” makahulugan niyang deklara.
“I need to be okay,” sambit pa niya pero ayaw magdetalye dahil personal daw.
Tinutumbok din ni Barbie na papunta na sa single ang status niya.
Anyway, Sunday Pinasaya pa lang ang pinagkakabalahan ngayon ni Barbie. Magce-celebrate sila ng first anniversary. Magkakaroon ito ng two-part birthday celebration ang show sa September 4 and 11.
Pak! Ganern!
TALBOG – Roldan Castro