KINAKAI-LANGAN maging alerto ang pamahalaang lokal ng lungsod ng Parañaque, partikular ang City Health Office nito, dahil isang residente ng nasabing lungsod na Japanese national ang nagtataglay ng HIV at patuloy na gumagamit ng mga menor-de-edad na kababaihan na pinipik-ap kung saan-sang lugar sa nasabing lungsod.
***
Nabatid mula sa mapagkakatiwalaang source, ang nasabing hapones na si Kenji ay may alyas na “Richard” at may apelyidong Akiba, residente sa isang mamahaling condomin-ium sa nabanggit na lungsod, kasama ang kinakasama nitong isang “Vivienne” na posibleng nahawahan na rin ng HIV ng nasabing hapones.
***
Ayon sa source, ang pasaporte ni Akiba ay hindi na pinayagan ma-renew ng bansang Japan, dahil umano isa siyang most wanted person sa sariling bansa dahil sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan. Napag-alaman, marami siyang nilokong kapwa hapones na investors na kinuhaan ng malalaking halaga ng salapi sa paniwalang makapagtatayo ng negosyo sa Filipinas.
***
Karamihan umano sa mga perang nakulimbat ni Akiba ay ginamit na pambayad sa umano’y miyembro ng Interpol para ‘wag siya hulihin. Ang ibang pera ay ginamit sa pagtatayo ng isa klab sa Macapagal Ave., lungsod ng Pasay.
Nabatid, may tatlong taon nang dinaranas ni Akiba ang sakit na HIV, sapol nang huling magpatingin sa isang pribadong ospital sa lungsod ng Parañaque. Gumagastos umano ng halagang P5,000 libong piso kada araw sa kanyang mga gamot sa sakit na HIV.
***
Sa kasalukuyan,dagdag ng source, nagsisimula na umanong lumabas sa balat ni Akiba ang pagiging isang HIV victim, dahil nakikitaan ng skin rashes sa buong katawan nito. Pero sa kabila ng sakit na dala, patuloy siyang guma-gamit ng mga menor-de-edad na kababaihan, at dinadala sa isang safehouse apartment nito na nasa lungsod ng Pasay.
***
Bukod sa mga menor de edad na kababaihan, regular na umuuwi sa isang condominium na ang kinakasamang si Vivienne ang naninirahan.
Si Akiba ay may pending case na estafa, matapos sampahan ng kaso ng isang kapwa hapones. Matapos niyang kuhaan ang biktima ng P9 milyon, bilang investment umano sa isang negosyo, pero hanggang sa kasalukuyan, ang kasong isinampa ng nabiktimang hapones noon pang nakalipas na Agosto 7, 2015 ay nakabitin sa kamay ng mga piskal na may hawak nito, gayong ready for submission for resolution.
Hinihinalang pinaaandar ni Akiba ang kanyang salapi upang hindi umakyat sa korte at magkaroon ng arrest warrant.
***
Sakaling maisyuhan ng warrant of arrest si Akiba, sigurado umanong maraming hapones pa ang magrereklamo na nabiktima nito, na ang ginagamit na kompanya ay GETZ GOOD TREE Company. Isang nagngangalang “Cholo” umano na Filipino ang nasa likod ni Akiba, na siyang kumukuha ng mga babaeng menor-de-edad para makipag-sex kay Akiba.
***
Isang Bernie umano ang nagpakilala kay Akiba kay Meyor Edwin Olivarez, noong bago pa pumalaot bilang Meyor ng Parañaque. Si Olivarez ay nagbigay umano ng campaign fund sa alkalde, bagay na itinanggi ni Meyor Olivarez dahil hindi niya kilala. Posibleng nagoyo ni Ber-nie si Akiba na magbigay ng campaign fund kay Meyor.
***
Isa pang katarantadohan nitong si Bernie, na manager sa klab na pag-aari ni Akiba, isang jueteng lord umano ang nagbigay ng P6 milyon kay Bernie.
Sa pangakong ipapasok ang sugal na jueteng sa Parañaque bagay na tinanggihan umano ni Meyor Olivarez pero hindi na bumalik ang anim na milyon sa nasabing jueteng lord matapos tanggihan ni Meyor Olivarez, dahil ayaw ni Meyor ng ano mang uri ng sugal sa lungsod.
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata