TINANONG si Edu Manzano kung pabor din ba siya sa pahayag ni Robin Padilla na bago ibulgar ni Pangulong Rody Duterte ang mga pangalan ng artista ay magkaroon muna ng dialogo sa Pangulo ang umano’y drug users or pushers sa showbiz?
“Iyon ang opinyon ni Robin. Ako para sa akin, hindi ako naniniwala na… dapat ngayon pa lang, sa mga network pa lang, they should already be dialoguing with their stars! Ito ay isang hanapbuhay, ang paggawa ng telebisyon o pelikula, hindi laro. Marami kasing taong umaasa na trabaho so kung ang network ay nagkaroon ng isang artista na maaaring nalulong sa droga at wala silang ginawa, they have only themselves to blame. Kasi sila ang makakapag-identify,” bulalas niya.
Imposible raw na hindi alam ng network kung sino ang mga artistang nagugumon sa droga.
“Maglagay na rin sila ng provisions sa kanilang mga kontrata, na dapat may drug testing! Na ‘pag may suspicious activity or tayo naman, malalaman mo kung may kalokohan itong batang ito, kung may ginagawang hindi tama,” sambit pa niya.
Samantala, tinanong din si Edu kung kumusta na ang buhay pagkatapos na matalo bilang Senador sa nakaraang eleksiyon?
“Okay lang! Matagal-tagal na rin akong nag-ibang negosyo, 2004 pa lang tumigil na ako sa pelikula, you know I have my businesses (palaisdaan at apat na restoran), at kung titingnan n’yo ang aking Facebook page at aking Instagram, mas madalas ako sa farm sa Batangas,” pakli niya.
“So hindi naman nagbago ‘yung buhay ko, eh.You know, I think it’s not just our right to be allowed to run on an election, it’s also our obligation. Kung sa tingin natin may magagawa tayong mabuti para sa bayan, at sa ating mgakapwa, eh dapat mong subukan talaga. So I would encourage my friends, my relatives kung talagang their heart is in the right place at gusto nilang manilbihan sa bayan to go ahead,” deklara pa niya.
Hindi naman siya nagmarakulyo noong hindi palarin sa eleksiyon. Itinuring na lang niya ito na learning experience.
Pero sa ngayon ay gusto niyang samahan ang mga anak niya at ikutin dahil malapit na itong magkanya-kanya ng buhay. Si Luis ay 35 na,’yung daughter niyang si Addie, nagma-Masters ngayon sa New York, nasa Parsons (School of Design), for Graphic Design.’Yung isang anak niyang si Lorenzo , mag-a-abroad din at mag-aaral sa University of San Bernardino ( California).
TALBOG – Roldan Castro