TINATANONG na ngayon kung may wedding plans na ba sina Carla Abellana at Tom Rodriguez pero naungkat tuloy ang kalagayan ng father ng actor.
“Siyempre, once I get everything all in order, for example my mom and dad, ‘pag malampasan namin ‘yung ano… my dad went thru ano eh, this past year, been battling cancer. He’s fighting and he’s… what a trooper,” sey ni Tom.
Plano ni Tom na bilhan ng bahay ang magulang niya dahil dream ng daddy niya na magkabahay sa Subic. Ito rin daw ang dahilan na isinasantabi muna nila ni Carla ang anumang usapin tungkol sa kasal. Nakatira ngayon ang parents niya sa Arizona sa Amerika.
Lung cancer ang sakit ng tatay niya. Seventy-six years old na ito.
“It’s a poorly differentiated carcinoma, it’s a sarcoma,” sambit pa niya.
TALBOG – Roldan Castro