Saturday , November 16 2024

US walang paki (Duterte vs De Lima)

DUMISTANSYA ang Amerika sa pagdawit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Leila de Lima sa operasyon ng illegal drugs.

Pinaigting ng US ang panawagan sa administrasyong Duterte na tiyakin ang mga tagapagpatupad ng batas ay tumatalima sa obligasyong igalang ang karapatang pantao ngunit walang pakialam ang Amerika kung ang pinakamahigpit na kritiko ng extrajudicial killings sa bansa na si Sen. De Lima ay isinangkot sa illegal drug trade ni Pangulong Duterte.

“The United States believes in rule of law. We believe in due process; we believe in universal human rights. And we believe that these support long-term security, which is the goal not only for the United States, but also for the Philippines. We strongly urge the Philippines to ensure its law enforcement efforts comply with human rights obligations. In terms of the exact comments of the president (on De Lima), I’m going to refer you back to the government of the Philippines to better understand perhaps what President Duterte,” ani Elizabeth Trudeau, director ng US State Department Press Office sa media briefing kahapon sa Washington, DC nang usisain sa pagdawit ni Duterte kay De Lima sa drug matrix at pagkakaroon ng lovers.

Giit ni Trudeau, patuloy na ipinaaabot ng US ang kanilang “concerns” sa gobyernong Duterte hinggil sa paglobo ng insidente ng extrajudicial killings sa Filipinas bilang “trusted ally” sa loob ng 70 taon.

Samantala, nananatiling bukas ang Palasyo sa mga opinyon at posisyon ng ibang bansa sa mga kaganapan sa Filipinas, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Gaya ni Trudeau ay iginiit ni Abella na solido at maganda ang ugnayan ng US at Filipinas sa kabila nang panawagan ng Amerika sa bansa na pairalin ang rule of law at respeto sa karapatang pantao sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte.

“We just like to say that we’re open to the opinions and positions of certain governments. But, we’d like to just say, we’d also like to reiterate that the relationship between the US and the Philippines remains basically solid and we do have a good relationship,” ani Abella.

Nauna rito’y pinintasan ni Duterte ang aniya’y walang habas na pambobomba ng US sa Syria na ikinamatay ng mga inosenteng sibilyan at pamamaril sa black people na mas masahol na human rights violations kaysa napapatay ng mga pulis na sangkot sa illegal drug operations.

“When you bomb Syria and Iraq and you kill communities and you kill children and all people, and hospital, what is it? And why is it that United States is not doing anything?” ayon sa Pangulo hinggil sa “human rights violations concerns” ng US at United Nations sa bansa mula nang maluklok siya sa Palasyo.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *