Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, posibleng maging daan sa pag-aayos nina Ai Ai at Kris

WALANG masamang tinapay kay Marian Rivera kung gustong mag-guest niKris Aquino sa Sunday Pinasaya.

Sey ng Kapuso Primetime Queen, wala naman daw problema sa kanya at welcome na welcome si Kris sa sa kanya. Kaibigan daw niya si Kris at ninang pa nila ito niDingdong Dantes sa kasal nila.

Hindi rin niya nakalilimutan na matapos ang bakasyon ni Kris ay nag-guest ang TV host sa ‘Yan ang Morning’ . Ito ang unang guest appearance ni Kris sa GMA.

Ayaw niyang maipit sa napapabalitang gap nina Ai Ai  Delas Alas at Kris.

”Sabi ko nga, kung wala namang ginagawang masama sa akin ang isang tao, bakit mo kailangang idamay ang isang tao, hindi ba? Mabait sa akin ‘yung Ninang Kris ko, at the same time, magkaibigan din kaming matalik ni Kambal (tawag niya kay Ai Ai), so walang mahahati para sa akin,” deklara niya.

Hindi kaya siya ang tulay para magkaayos ang dalawa?

“Why not, ‘di ba? Pero may mga bagay na mahirap panghimasukan lalo na kung hindi mo alam kung ano ang pinagmulan,” pakli ni Marian.

Anyway, bilang first anniversary ng Sunday show, magkakaroon ng two-part birthday celebration ang show na ipalalabas sa  September 4 and 11.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …