Friday , November 15 2024

Illegal gambling sa internet cafe

Dragon LadyBAKIT kaya hinahayaan ng isang Internet Cafe na ang kanyang puwesto ay gamitin sa illegal gambling ng mga kabataan?

Ang Internet Cafe na ito ay matatagpuan sa ikatlong palapag ng gusali ng Puregold na matatagpuan sa Taft Ave., Pasay City, at nasa harapan ng Victory Mall, malapit din sa LRT.

***

Saksi ang inyong lingkod sa mga kabataan na sobrang  ingay sa nilalaro nilang games sa computer. Kantiyawan at sigawan ang maririnig, habang buwisit at asar naman ang ibang kostumer ng nasabing Internet Café. Pero balewala sa management ang ingay ng mga kabataan.

Saksi rin kami sa pagkatalo ng isang grupo ng kabataan ng halagang P1,000, na posibleng ibinigay ng mga magulang para baon sa eskuwela. Ang masakit hindi na pumasok sa eskuwela, natalo pa sa sugal.

***

Nakapagtataka na bulag at bingi ang management ng Internet Café. Bakit pinapahintulutan ang ganitong sistema. Mahigpit na ipinagbabawal ni Pasay City Mayor Tony Calixto ang ano mang uri ng sugal sa lungsod ng Pasay, dahil maraming kabataan ang nahuhumaling sa sugal na sakla. Ang hindi alam ni Meyor, tago na ang sugalan para sa mga kabataan. Makikita ito sa mga Internet Cafe! Partikular diyan sa ikatlong palapag ng gusali ng Puregold!

Drug Test sa mga Empleyado

Miyerkoles ng gabi, isinagawa ang isang pagtitipon-tipon ng mga nagmamay-ari ng bars at club sa The Fort, Global City, Taguig City. Dumalo ang lahat ng District Directors ng NCR, NCRPO chief, Director Oscar Albayalde, at PNP chief Director General Ronald “Bato” de la Rosa, at Taguig City Mayor Lani Cayetano, mediamen mula sa iba’t ibang TV networks, broadcast radio at print media myla sa broadsheeta at tabloids.

***

Ang dialogo ay bilang suporta ng operators ng bars and club sa illegal drug campaigns, partikular sa ‘party drugs.’ Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng bar and club operators at pulisya  na magsasagawa ang PNP ng mga kaukulang inspection sa bawat establisyemento.

Habang si Mayor Lani naman ay nagdeklara na lahat ng empleyado ng bars and clubs ay sasailalim sa drug test upang makatiyak na ligtas sa sabwatan ng mga empleyado sa kanilang kostumer na pinaghihinalaang sangkot sa drug trade.

Bagama’t dagdag gastos ito sa mga kawani, kailangan gawin ito, upang hindi na maulit pa ang trahedyang naganap sa concert sa lungsod ng Pasay may dalawang  buwan na ang nakalilipas, na naging dahilan ng pagkamatay ng lima katao.

Ang mga establisyementong hindi susunod ayon kay Mayor Cayetano ay ire-revoke ang business permit ng establisyemento.

***

Kung ang pulisya ay sumailalim sa drug test, dapat lang sumailalim din ang lahat ng empleyado, at isa na rito sa magiging main requirements sa pagkuha nila ng working permits, bago magtrabaho.

Maging ang lahat ng LGU employees ay dapat na sumailalim din sa drug testing, partikular ang lahat ng empleyado ng lokal na pamahalaan.

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *