USAP-USAPAN ang pag-ober da bakod ni Kris Aquino sa GMA 7. Balitang magge-guest daw ito sa Sunday PinaSaya na mainstay ang dati niyang friendship na si Ai-Ai delas Alas at ang inaanak niya sa kasal na si Marian Rivera.
Tinanong si Barbie Forteza kung ano ang reaksiyon niya sa napipintong maging Kapuso si Kris na ginagaya niya sa Sunday Pinasaya.
“Siyempre, sobrang excited ako, kasi, ano‘yun, eh, Queen of All Media ‘yun, ‘di ba? So, isang malaking karangalan na ma-meet ko siya and at the same time, makasama na rin natin siya sa SPS,” deklara ni Barbie.
“Baka ma-starstruck ako, eh,” dagdag pa niya kung ano ang reaksiyon kung sakaling magkita sila ng personal.
Tinanong din si Barbie kung natutuwa ba sa kanya si Kris?
“Well, susuyuin ko na lang po siya para naman matuwa siya sa akin. Hindi, siyempre, magha-hi ako, magpapakilala ako ulit kahit na nag-meet na kami,” bulalas pa niya.
TALBOG – Roldan Castro