Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, ‘di pa raw nila napag-uusapan ni Sarah ang kasal

SA loob ng sampung taon ni Matteo Guidicelli sa showbiz, marami na siyang naipundar at may sarili na ring investments tulad ng sarili niyang negosyo at may bagong tatag na production company, ang Big Bang.

Pero ayon sa binata, marami pa siyang pangarap na gustong magawa at matupad.

“You know, it’s not about money or anything, it’s more about self-fulfillment. Projects that I want to do in the future,” sabi ni Matteo nang makausap namin.

Sa tanong na kung kasama ba sa mga goal niya ang magkasama sila ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa mga proyekto o advocacy na ginagawa nila, ang sagot ni Matteo ay, “Wala pa naman, wala pa naman. Hindi ko pa naman goal ‘yan. She does her own things, eh. And I believe in the things she does. Pero wala pa kaming goal na magkatrabaho kami ngayon. We’re letting each other do our own things.”

Masasabi namang financially stable na si Matteo kaya may kakayahan na siya kung sakaling gustuhin na niyang magpakasal na sila ng Pop Princess. Pero ayon sa kanya, hindi pa nila napag-usapan ni Sarah ang kasal.

“Hindi pa naman! Siyempre, pinagdaanan ‘yan. But we have to be realistic with ourselves. Being realistic is very, very important. But that day will come.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …