ANG kakaibang ‘kati’ ni Sen. Leila de Lima ang naging sanhi ng mga seryosong paglabag sa batas ng mambabatas, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahit aniya napawalang bisa na ang kasal ni De Lima sa kanyang asawa ay hindi pa rin siya puwedeng magpanggap na nagsusulong ng “good government” dahil naki-kipagrelasyon sa mga lalaking pamilyado.
“What is really very… how would I term… it sad about this country, here is a woman posturing herself to be a crusader for good government but because ‘di niya mapigilan, immorality niya to the credit of De Lima she’s legally annulled kagaya rin sa asawa ko. But her sex escapades led her to commit several serious violations of law,” anang Pangulo sa media briefing nang bumisita sa burol ng isang pulis na namatay sa drug operation sa Antipolo City.
Binigyang-diin ng Pangulo na kaya galit sa kanya si De Lima ay dahil bistado niya ang lahat ng kalokohan niya.
“De Lima, galit kasi nahuli ko siya lumabas lahat pati kalokohan sa kama. ‘Di photo shop ‘yan sinadya talaga ng lalaki pumayag ‘yan nakita mo angle. Kita mo angle pinaasa pag tulog mo, wala naman tinanggal dun because na in-love,” kuwento ng Pangulo.
Dagdag ng Pangulo, ikinanta sa kanya ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino na ang bagong boyfriend ng senadora ay isang isang Warren na rider-escort ni De Lima mula sa MMDA.
“Ngayon may bago siya the first name is Warren. Nagmo-motor hagad na escort niya from MMDA. Sino may sabi sa akin? Isa sa nag-report noon pa pero tapos na nang malaman niya driver. Si Tolentino MMDA chairman kasi may sulat si De lima sa kanya bigay ni Tolentino,” anang Pa-ngulo.
Giit niya, minaniobra ni De Lima ang drug trade sa New Bilibid Prison para sa pera upang maisulong ang “init” o “tsuk tsak” ng katawan.
“She facilitated everything for money she was not into magpabili ng… Because of her pitfalls ‘di niya mapaibig. ‘Yung init ng they call it ‘tsuk tsak’ what is there to say do I have to explain it in dictionary. She never denied this she never said ‘yung kami ni…she never admitted it,” sabi ng Pangulo.
Ngunit si Warren umano’y hindi sangkot sa drug trade sa NBP gaya ni Ronnie Dayan, ang nauna niyang isiniwalat na driver-lover ni De Lima na kolektor ng drug mo-ney sa Bilibid na ipinantustos na campaign funds ng senadora noong nakalipas na halalan.
“Warren? Wala… involvement in the heart alam ninyo pangalan? Married? I really do not know,” dagdag niya.
Nauna nang napa-ulat na si Warren, 40-anyos, rider ng MMDA na nakatalaga sa seguridad ni De Lima mula pa noong siya’y justice secretary.
May-asawa umanong teacher si Warren, may dalawang anak at dating nakatira sa Maypajo, Caloocan City.
Kung si Dayan ay ipi-nagpatayo ng bahay ni De Lima sa Urbiztondo, Pa-ngasinan, si Warren umano’y ‘niregalohan’ ng isang bahay, tatlong pampasaherong jeepney, isang sports utility vehicle.
Usap-usapan sa Maypajo na huminto na sa pagtuturo ang kabi-yak ni Warren mula nang magkaroon ng ugnayan kay De Lima.
Ang misis umano ni Warren ay anak ng abogado at may mga kapatid na guro.
( ROSE NOVENARIO )