Saturday , November 16 2024

Duterte kompiyansa sa GRP, NDFP peace talks (Dating kasunduan muling pinagtibay)

MAY mga indikasyon na magtatagumpay ang isinusulong na usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“I’m a president who is supposed to look for peace for my land. I am not the president who seeks war to destroy our own countrymen and that is why I am talking to the Left. Baka sakali ‘pag natsambahan ko ito and there are indications I might succeed,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal  kahapon.

Nagkasundo ang pamahalaang Duterte at National Democratic Front (NDF) na bumuo ng bagong listahan ng consultants ng kilusang komunista na magiging “immune” sa pag-aresto , alinsunod sa Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG).

Sa kalatas ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), nakasaad na ipinaalam ng NDF leaders sa government panel na makakasama sa  listahan ang pangalan ng 54 consultants na klasipikado bilang “publicly-known” at 87 guerilla leaders na gumagamit ng “nom de guerre” o assumed names at nasa underground pa rin ngunit kabilang sa mga kinokonsulta sa peace process.

Matatandaan, nadiskaril ang peace talks ng gobyerno at NDF noong Pebrero 2011 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III bunsod nang kahilingan ng NDF na palayain ang mga detenido nilang consultants na saklaw ng JASIG.

Pinanindigan ng nakaraang gobyerno, walang paraan para matiyak kung sino ang NDF consultants na protektado ng JASIG dahil ang diskette na naglalaman ng listahan na itinago ng third party ay nasira.

Mula noon ay hindi na umusad ang peace talks at maging ang tinangkang special track noong 2013 ay naunsiyami rin.

( ROSE NOVENARIO )

DATING KASUNDUAN MULING PINAGTIBAY

OSLO, Norway – Pormal nang nagsimula nitong umaga ng Agosto 23 ang panel-to-panel meeting ng Government of the Philippines (GPH) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Natapos ng panels ang talakayan sa muling pagpapatibay sa nakaraang nilagdaang mga kasunduan, pagpapabalik sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) list at pagpapabilis sa usapang pangkapayapaan.

Ang nasabing pulong sa Reidar Andersen, Birger Ruud and Thorleif Haug Halls ng Scandic Holmenkollen Park Hotel ay kasunod nang pagsang-ayon at pag-aapruba ng mga kinatawan ng dalawang panel sa programang limang araw na pormal peace talks.

Sa first item ng agenda, nagkasundo ang dalawang panel na muling pagtibayin ang lahat ng nakaraang nalagdaang mga kasunduan simula ng The Hague Joint Declaration of 1992 at maayos na makapagsagawa ng pormal na pag-uusap at konsultasyon ayon sa nasabing kasunduan.

Bukod sa The Hague Joint Declaration, pinagtibay ng dalawang panig ang lahat ng nakaraang bilateral and binding agreements na nabuo sa usapang pangkapayapaan na kinabibilangan ng

JASIG of 1995; Joint Agreement on the Formation, Sequence and Operationalization of the Reciprocal Working Committees of the GPH and NDFP Negotiating Panels of 1995; at ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) of 1998, ang una sa apat items ng substantive agenda sa usapang pangkapayapaan na sinang-ayonan ng dalawang panig.

Iprinesenta ng NDFP panel ang “reconstituted list” ng mga may taglay na NDFP document of identification (DI) na nagbibigay sa kanila ng proteksiyon mula sa JASIG, na kinikilala ng GPH panel. Sumang-ayon ang GPH na mag-isyu ng “letter of acknowledgment” sa natanggap na NDFP list.

Ang JASIG ay naglalayong maglaan ng mga kondisyon na bukas sa mga talakayan at pagkilos ng NDFP personnel na lalahok sa usapang pangkapayapaan at iwasan ang ano mang insidente na maaaring makasira sa usapang pangkayapaan. Kung wala ang JASIG, hindi maisasagawa ng usapang pangkapayapaan.

Kapwa nagkasundo ang dalawang panig na pabilisin ang proseso ng kapayapaan at magtakda ng timelime para sa pagtatapos ng tatlong nalalabing items sa substantive agenda, kinabibilangan ng social and economic reforms, political and constitutional reforms, at pagtatapos sa labanan at disposisyon ng puwersa

Nagkasundo ang dalawang panig na ang Reciprocal Working Committees on Social and Economic Reforms (RWC-SER) ng the GPH at NDFP ay magpupulong sa Setyembre.

Ang RWC-SER ay kikilos para sa pagkakasundo hinggil sa tunay na reporma sa lupa, national industrialization, workers’ rights and welfare, social welfare, edukasyon at kultura.

Magsusumikap din silang tapusin sa loob ng anim na buwan mula Setyembre, ang tentative Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms na isusumite para sa pag-aapruba ng dalawang panel.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *