Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rita ‘di totoong na-bully ng mga housemate

“NASAAN at saang banda ang racism at bullying sa teen housemate na si Rita?”iyan ang tanong ng isang friendship na hindi mawari ba’t ginagawang isyu ang isang kaganapan sa bahay ni Kuya.

Sa isang episode kasi noong nakaraang linggo ay napagkatuwaan ng girl housemates ang animo’y piraso ng undergarment na pag-aari pala ni Rita. Oras na malaman nila na kay Rita ito ay agad silang lumapit at nag-sorry sa dalagita.

Sey pa ni friend, ”Simpleng misunderstanding lang nangyari. Bullying agad? Alam ba nila ano ang bullying? Sadya bang tinarget ng girls si Rita para pagdiskitahan? At tsaka ba’t may discrimination? Sa oras na nilalaro ba nila ‘yung panty o strap ba ‘yun eh ginagawa nila ito dahil Badjao si Rita? Hinamak ba ng etnisidad niya? ‘Di ko talaga magets, ang OA lang niyong iba.”

Hindi pa siya natigil doon at sinabing, ”Hindi ba mas discriminating na isipin nating naiiba o kinakawawa si Rita dahil lang sa laki siya sa hirap at mula sa indigeneous group? ‘Di ba dapat nga mas ikatuwa natin na binigyan siya ng pantay na oportunidad tulad ng ibang teen housemates na makapasok sa PBB at makihalubilo sa kanila? Ewan ko talaga sa iba. Kung tutuusin ang tunay na bully dito ‘yung nangkakastigo sa girl housemates na sila ay bully, masama at ‘di pinalaki ng maayos. Isama mo na rin ang mga nag-iisip na nakakababa si Rita kaya naman “binully” siya. Na kaya napagkatuwaan siya ay dahil Badjao siya. Kung nanonood ka talaga ng ‘PBB’, alam mong maayos siyang pinakitutunguhan ng lahat doon at walang bahid ng diskriminasyon na nagaganap.”

Baka nga naman kailangan aralin ng maige ang sitwasyon bago mag-isip ng kung ano-ano. Tandaan natin, mga menor ang involved dito kaya maingat din dapat ang publiko sa paggawa ng mga kongklusyon.

At tsaka, naka-move-on na ang mga bata sa loob. Masaya na nga silang nag-Swerteen Ball kamakailan.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …