Saturday , November 16 2024

Honor roll ng prov’l govs inilabas ng Palasyo

 

NILABAS na ng Palasyo ang listahan ng provincial governors na pasok sa honor roll o may magandang performance sa pamumuno sa kani-kanilang nasasakupang lugar.

Sa liham na isinumite ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Communications Secretary Martin Andanar, nangunguna sa listahan si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Isabela Governor Faustino Dy, Quirino Governor Junie Cua, Palawan Governor Jose Alvarez at Romblon Governor Eduardo Firmalo.

Kasama rin sa top ten sina Negros Occidental Governor Alfredo Maranon; Bohol Governor Eduardo Chatto; Cebu Governor Hilarion Davide; South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes at Agusan del Norte Governor Maria Angelica Rosedell Amante Matba.

Matatandaan, inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bagama’t hindi dapat kasama sa listahan ang mga politiko na kabilang sa political dynasty gaya nina Marcos at Dy, maaring natabunan ito dahil sa ganda ng kanilang performance.

Naunang sinabi ni Andanar, ang listahan ng honor roll ang kanilang pantapat sa masasamang local government officials na nadadawit sa operasyon ng illegal na droga.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *