Saturday , November 16 2024

De Lima, Baraan nasa drug matrix sa nbp — Duterte

SI Senator Leila de Lima ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan na sa sangkot sa operasyon ng illegal drugs sa New Bilibid Prison (NBP).

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa susunod na mga araw ay ilalabas niya ang matrix ng illegal drug trade sa NBP at si De Lima ang pinakamataas na government official na sangkot sa drug syndicate sa pambansang piitan.

“I will show to you maybe this week the matrix – bina-validate ko lang ’yung matrix ng Muntinlupa connection. Nandoon si De Lima sa matrix,” ayon sa Pangulo sa ambush interview kahapon sa Palasyo makaraan ang mass oath taking ng mga bagong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa Pangulo, nakasaad sa matrix ang papel ni De Lima sa operasyon ng illegal drugs sa NBP at iba pang personalidad na sangkot dito.

“It will show her role there. Alam na namin. Ngayon, alam ko na. When I go out with the matrix, malaman n’yo,” aniya.

Kasama rin aniya sa matrix si dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, naging officer-in-charge ng NBP at Bureau of Corrections noong administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sabi ng Pangulo, nagulat siya nang makita ang pangalan ng isang gobernador na kaibigan pa naman niya, sa matrix ng illegal drug trade sa NBP.

“There is also a governor involved. He is my friend, but I could not believe it. There’s a governor and an undersecretary,” aniya.

Matatandaan, sa isiniwalat ng Pangulo noong nakalipas na Hulyo 7, ang mga responsable sa pagpapakalat ng illegal drugs sa buong bansa sa hawak niyang matrix, ay sina Wu Tuan alias Peter Co , Herbert Colangco, Peter Lim at ret. police general Marcelo Garbo.

Sina Co, Colangco at Lim aniya ay pawang nakapiit sa NBP habang si Garbo ay isa sa limang tinaguriang narco-generals kasama sina ret. police general Vicente Loot at mga aktibo pang nasa serbisyo na sina generals Bernardo Diaz, Edgar Tinio at Joel Pagdilao.

Sina Tinio at Pagdilao ay sasampahan na ng kaukulang kaso ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Department of Justice (DOJ).

Tinatapos na ng DILG ang mga nakalap na ebidensya laban kay Diaz.

Sa kaso ni Loot na ngayo’y alkalde ng Daanbantayan, Cebu, tinanggal na ng DILG ang kanyang superbisyon sa pulisya sa kanyang bayan.

Kinansela na ang kanyang lisensya para magmay-ari at magbitbit ng baril at isinasailalim sa lifestyle check.

Ikinakasa na ang asunto laban kay Garbo, na natuklasan ng DILG ang kinaroroonan.

( ROSE NOVENARIO )

PETER CO UGAT NG ILLEGAL DRUG TRADE SA PH

PUNO’T dulo ng illegal drug trade sa bansa ang kasalukuyang nakakulong na drug lord na si Peter Co.

Ito ang salaysay ni PNP chief Ronald Dela Rosa sa ikalawang araw ng Senate probe hinggil sa nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.

Ayon kay Dela Rosa, lahat ng mga nahuhuli nilang sangkot sa ilegal na droga ay itinuturo si Co bilang kanilang supplier.

Pahayag ni Sen. Leila De Lima, dating Justice Secretary, nagagawa pa rin ni Co na maging aktibo sa kalakalan ng ilegal na droga dahil nakapupuslit sa loob ng bilibid ang mga kontrabando kagaya ng cellphone.

Ngunit pinabulaanan ito ni Dela Rosa at sinabing ngayon ay hindi na nakapupuslit sa Bilibid ang mga kontrabando.

Habang sinabi ng senadora, sa isinagawang malawakang drug raid sa loob ng New Bilibid Prisons noong Disyembre 2014, natuklasan na maraming kontrabando ang nagagawang maipasok.

SHABU LAB SA BILIBID ITINANGGI NI DE LIMA

MULING itinanggi ni Sen. Leila de Lima ang mga ulat na mayroong shabu laboratories sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Sa ikalawang araw ng Senate hearing tungkol sa extrajudicial killings sa bansa, iginiit ni De Lima, “walang basehan na mayroong shabu lab sa loob ng Bilibid.”

Wala rin aniyang nanggagaling na shabu sa loob ng piitan dahil mga transaksiyon ang nangyayari roon.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *