Payag daw si President Rodrigo Duterte na huwag ituloy sa Oktubre ang Barangay at SK elections. Ito ay dahil sa kakapusan ng badyet na gagamitin dito, at dahil kakatapos ng eleksiyon, masyado nang sadsad ang badyet kung itutuloy pa ito.
Tama nga! Kung ako ang tatanungin, tama lang na huwag muna ituloy ang Barangay at SK elections.
***
Ihalimbawa sa lungsod ng Pasay, may ka-buuang 201 barangay ang lungsod, kawawa ang mga meyor, vice meyor at mga konsehal, dahil lahat ng tatakbo ay siguradong lalapit at hihingi ng tulong! Manatkain ninyo 201 barangays, idagdag ng mga kalaban, sumatotal, 402 na kan-didato para kapitan ng barangay, e ang mga Kagawad pa? Anim na Kagawad ang dapat, kuwentahin ninyo magkano ang magagastos ng mga hinihi-ngan? Meron pa riyan, barangay na tatlo ang tatakbo? Lahat ‘yan ay lalapit kay meyor at mga konsehal! Saan naman nanakawin iyan ng mga bagong upo o kahahalal lamang na gumastos na noong local elections? Sabi nga di pa nakababawi, heto na naman ang pagkakagastusan!
***
Tiyak ‘yan ma-tutuloy kapag ma-lapit na ang elek-siyon sa 2018, dahil kailangan ang tulong ng mga barangay captain sa susunod na election!
VENDORS SA PADER NG REDEMPTORIST CHURCH BAWAL!
Ayaw ng parish priest ng Redemptorist Church sa Baclaran,Parañaque City na lagyan ng vendors ang bangketa malapit sa pader ng nasabing simbahan. Pero may bulungan na P8K umano sa bawat 3sqm ang hinihingi sa vendors para makapagtinda. Ang malilikom na pera ay ido-donate sa simbahan, at magbabayad ng Alcabala ang vendors na ipapasok sa kaban ng pamahalaan ng lungsod ng Parañaque. Ang malilikom dito. So kompirmado ang balitang ito, pero may makapagpapatunay tayong kausap na may katotohanan ito! Ano yan! Pari may raket din? Kung may katotohanan ang isyung ito, MATAKOT KAYO SA DIYOS!
***
Tandang-tanda ko pa, may dalawang dekada na ang nakalilipas, minsan nang nalathala sa mga pahayagan,na may titulong “Pari man may papag din” isang katiwalian na ang vendors sa paligid ng Remptorist Church, sa opis ng nasabing simbahan nagbabayad! Kung papayag ang simba-han, ito na nga! Pero tumatanggi ang mga dahil malaki raw ang otso mil!
ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata