Saturday , November 16 2024

Mayor Espinosa aarestohin na (Sa armas at droga)

BILANG na ang maliligayang oras sa laya ni Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa dahil hinihintay na lamang na ilabas ang warrant of arrest ng korte para siya ay arestohin.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Ismael Sueno, mga kasong illegal possession of firearms and illegal drugs ang isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay Espinosa makaraan makompiska ang 11 kilo ng shabu sa kanyang bahay.

“As to the mayor of Albuera, he is back to his office because…I spoke to General Bato yesterday, he said that there is no warrant of arrest yet issued against him but the CIDG has already filed cases of illegal possession and the possession of 11 kilos of shabu and we are just waiting for the warrant of arrest to come out to arrest him immediately,” ani Sueno.

Kompiyansa si Sueno na hindi makatatakas si Espinosa oras na mailabas ang warrant dahil may nakaposteng mga pulis sa kanya.

Matatandaan, makaraan magpalabas ng “shoot on sight order” si Pangulong Rodrigo Duterte kay Espinosa, agad siyang nagtungo sa CIDG ngunit makalipas ang dalawang araw, pinakawalan dahil sa kawalan ng kasong naisampa sa korte.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *