Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Harlene, nasaktan at nabigla sa pag-amin ni Hero

SA interview ni Harlene Bautista sa Unang Hirit ng GMA 7 noong Martes, sinabi niyang nabigla at  nasaktan daw ang pamilya nila nang malamang gumagamit ng bawal na gamot ang kapatid niyang si Hero, na ngayon ay konsehal sa 4thDistrict ng Quezon City.

Pero ang labis daw na naapektuhan sa pangyayari ay ang kanilang kuya na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa tanong kay Harlene kung alam ba nila na noon pa gumagamit ng droga si Hero, ang sagot niya ay, “Actually, ako, personally, hindi ko alam na gumagamit siya ng droga. Hindi talaga namin alam. Kasi si Kuya Hero.. kasi ever since kasi artista siya, nagti-theater siya, and kung kailangan niyang magpapayat, mabilis siyang magpapayat. Kung kailangan na may karakter siya na mukha siyang ermitanyo, kaya niya, ganoon siya, eh, artist siya talaga. So, we never really suspected that he was taking drugs.”

Nalaman lang daw nila ang tungkol sa paggamit ng droga ni Hero nang lumabas na ang resulta ng random drug test na isinagawa sa mga opisyales ng Quezon City.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …