Monday , December 23 2024

Rider-lover ‘iginarahe’ ng female lawmaker

082016_FRONT

HINDI pa natatapos ang kontrobersiya sa isang lady senator, muli na namang umugong ang relasyon ng isang ‘rider-lover’ sa isa pang female lawmaker.

Ayon sa isang Palace official, na tumangging magpabanggit ng pa-ngalan, “mukhang taon ito ng mga mambabatas!”

Ayon sa Palace official, ibang putahe ang ‘tinitikman’ ng female lawmaker.

Narinig umano niya ang  impormasyon  sa  ilang kaibigan na nakaki-kilala nang personal sa “rider-lover” ng woman lawmaker.

Galante aniya ang female lawmaker at sa tindi ng pag-ibig sa “rider-lover” ay niregalohan ng isang bahay, tatlong pampasaherong jeepney at isang sports utility vehicle (SUV).

Nabatid na pamilyado ang 40-anyos na rider-lover, may dalawang anak at dating guro ang maybahay.

Dati umanong masaya ang pamilya ng “rider-lover” na konektado sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at nakatira sa Maypajo, Caloocan City ngunit nawasak ang kanilang tahanan nang umeksena ang female lawmaker.

Hindi sumagot ang Palace official nang tanungin kung may kaugnayan ba ang female lawmaker sa lady senator na binakbakan kamakailan ni Pangulong Duterte.

Hindi naman makuha ang panig ng female lawmaker dahil masyadong abala.

Kompara aniya sa driver ng lady senator ay di-hamak na bata, ma-tipuno at magandang lalaki ang “rider-lover” ng female lawmaker.

Nang hindi pa aniya mambabatas ang female lawmaker ay nagpupunta sa bahay ng “rider-lo-ver” at open secret ang relasyon nila sa naturang komunidad.

Sa ngayon, aniya, nagsasama sa iisang bubong ang female lawma-ker at rider-lover sa bahay ng mambabatas sa Parañaque City.

Huminto aniya sa pagtuturo ang misis ng “rider-lover” mula nang tangayin ni lady senator ang kanyang mister.

Ang misis ni “rider-lover” sinasabing anak ng isang abogado at may mga kapatid na titser.

“Delikadong madikit kay lady senator, mainit pa sa siling labuyo,” natatawang pahayag ng Pa-lace official.

De Lima nakahanda sa worst case scenario

IKINONDISYON ni Sen. Leila de Lima ang kanyang sarili sa worst case scenario at ano mang pinakamalalang mga pag-atake mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado ng punong ehekutibo.

Ayon kay De Lima, bagama’t umaapela siya na itigil na ng pangulo ang mga pag-atake sa kanya, malabo itong gawin ng chief executive.

Sinimulan na aniya ang pagsira sa kanyang pangalan kaya malamang ay isunod na rin ang iba pang bagay na makasasakit laban sa kanya.

Ang pinakamabigat aniya ang pagkaladkad sa kanyang pamilya at mahal sa buhay.

Aminado ang senador na may iba rin grupo at tao na nagpapakita ng concern sa kanya at doon na lamang siya humuhugot ng lakas ngayon.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *