NAIPAMALAS sa pagpapalaya kahapon sa mag-asawang lider-komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon na seryoso at determinado si Pangulong Rodrigo Duterte na humanap ng mapayapang solusyon sa ilang dekada nang armadong pakikibaka ng kilusang komunista sa bansa.
Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na ang mag-asawang Tiamzon ang huli sa mga pinalayang detenidong matataas na opisyal ng National Democratic Front (NDF) para makalahok sa peace talks sa Oslo, Norway simula Agosto 22.
“With their release, in addition to more than a dozen of NDF consultants earlier granted bail and already freed, one more stumbling block is removed. We are looking forward to a fruitful but intense negotiations in Oslo,” ani Dureza. Mahigit 550 miyembro ng CPP-NPA ang nananatili sa bilangguan sa iba’t ibang panig ng bansa. Ipinangako ng Pangulo na ang kanilang paglaya ay magiging bahagi ng negosasyon sa Norway. “The president however has said he will declare a general amnesty for all communist rebels,” ani Dureza.
( ROSE NOVENARIO, Joana Cruz, at Kimbee Yabut )