Sunday , December 22 2024

Trapik na naman…

Dragon LadyAsahan ang matinding trapik sa ilang pangunahing lansangan   makaraang pitong lugar sa Metro Manila ang binigyan ng clearance ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagsasagawa ng road project. Ang nasabing proyekto ng DPWH ayon sa MMDA ay mga kalye sa lugar ng Aurora Blvd.,sa Quezon City, may on-going installation ng pansamantalang bakod para sa konstruksiyon ng isang ginagawang gusali.

***

Ang dalawang lanes sa kahabaan ng Quezon Avenue ay isinara para sa ginagawang paggiba sa  tower crane  at intilasyon naman sa luffing crane hanggang Agosto 21 ng taon kasalukuyan sa kahabaan ng E. Rodriguez Jr. Avenue, Bgy. Ugong Norte, Pasig City, may proyekto din sa Algeciras St. Sampaloc, Maynila at sa Yuseco St., Sta. Cruz, Maynila, Deparo-Camarin Road Caloocan Ciy.

***

Dahil sa mga ginagawang ito, hindi na matapos-tapos ang pagsikip ng daloy ng trapiko, sigu-radong imbiyerna na naman ang commuters lalo ang mga nagmamay-ari ng iba’t ibang behikulo!

KAPAG HINDI BINANGGIT
NI DUTERTE SA MATITINO,
 TIYAK HINDI MATINO

Babanggitin umano ni Pangulong Duterte ang lahat ng matitinong local executives na walang bahid ang mga pangalan, at hindi sangkot o protektor ng illegal drugs. Sakaling hindi mabanggit ang pangalan, sa matitino sigurado hindi matino!

***

Parang nabaligtad yata, kung matitino ang babanggitin papuri ito, ‘e paano ‘yung hindi mabanggit? Nakahihiya pa rin! Mas maganda ‘yung dating gawi, lantaran nang sabihin kung sino ang hindi matino!

MGA KABATAANG HIV
VICTIMS LUMOBO

TUMAAS ang kaso ng mg kabataang HIV-AIDS victims ng 230 porsiyento mula taon 2011-2015.

Noon lamang buwan ng Mayo ay nakapagpatala na ang DOH ng 303 bilang ng mga bagong kaso ng HIV sa Metro Manila pa lamang.

Nakababahala na ito! Dahil iba ang usbong ng kabataan ngayon, dahil na rin sa mga pabayang magulang. Wala pang gamot para sa sakit na ito, kaya dapat mabahala na ang mga kabataan.

Dapat na ang bawa’t lokal na pamahalaan ay makatagpo ng youth advocates na may kaugnayan sa kalusugan bilang panlaban sa lumalang sakit na HIV.

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *