Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

State media armas ng Duterte admin vs terorismo

081816 martin andanar
MASAYANG ibinalita ni Presidential Communication Office (PCO) chief, Secretary Martin Andanar sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, Malate, Manila na maraming achievements ang Duterte Administration sa unang 50-araw ng panunungkulan. (BONG SON)

MEDIA ang gagamiting armas ng gobyernong Duterte upang labanan ang terorismo sa Mindanao at palaganapin ang mga programa ng pamahalaan sa iba’t ibang rehiyon.

Sa ginanap na Manila Bay Kapihan forum sa Café Adriatico sa Malate, Manila kahapon, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, palalakasin ng Presidential Communications Office (PCO) ang lahat ng sangay ng state media sa lahat ng lalawigan ng bansa.

Paliwanag niya, kailangan maunawaan ng mga taga-probinsiya, lalo sa Mindanao, ang kahalagahan ng isinusulong na prosesong pangkapayapaan ng pamahalaan ang rebeldeng Moro at kilusang komunista.

Bubuhayin aniya ng PCO ang operasyon ng People’s Television-4 sa Jolo, Sulu na sarado mula pa noong administrasyong Cory Aquino.

“Paano malalaman ng mga taga-Sulu ang opisyal na paninindigan ng pamahalaan hinggil sa kaguluhan sa Mindanao kung walang impormasyong nakararating sa kanila?” ani Andanar.

Napapasok aniya ng “extremists” ang Jolo at nagsusumikap na makapag-recruit ng kanilang mga miyembro dahil sinasamantala ang kakulangan sa kaalaman ng mga residente roon.

Kailanman aniya ay hindi nagtatagumpay ang digmaan sa pamamagitan lang ng baril, bala at bomba, kailangan maipabatid sa mga mamamayan ang kahalagahan ng kapayapaan at pagtalikod sa terorimso.

Idinagdag niya na popondohan at palalakasin  ng PCO ang Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA) para maging epektibong serbisyong pangkomunikasyon ng pamahalaan gaya ng Berdama, ang state media sa Malaysia.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …