PINASALAMATAN ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalaya sa mga consultant ng National Democratic Front (NDF) para makalahaok sa peace talk sa Oslo, Norway mula Agosto 20-27.
Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Sison, batayan ng katatagan nang kanilang pagiging magkaibigan ni Duterte, ang matagal nang kooperasyon at parehong pagnanasang magsilbi sa pambansa at demokratikong karapatan at interes ng sambayanan.
Nagpasalamat din si Sison sa pakikipagpulong ni Duterte sa mga kinatawan ng government at NDF panel sa Palasyo kamakailan.
Sa kabila aniya nang naging iringan nila ni Duterte ay nananatiling mabuti silang magkaibigan ng Punong Ehekutibo at marami silang mga kaibigan na tumutulong para mapangalagaan ang kanilang relasyon.
“Despite a previous glitch in our communications, President Duterte and I remain good friends. Our friendship has a strong basis in longstanding cooperation and in a common desire to serve the national and democratic rights and best interests of the Filipino people. Furthermore, we have plenty of mutual friends who help maintain our friendship,” ani Sison.
Pareho aniya silang inspirado sa mga prinsipyo at panuntunan ng Kabataang Makabayan (KM) at may patriotikong pagnanais na maipagpatuloy ang hindi natapos na rebolusyon ni Andres Bnifacio.
Inabisohan na aniya sila ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at ng producers ng pelikulang TIBAK na bibigyan sila ng Gawad Supremo bilang paggunita kay Bonifacio.
Tiniyak ni Sison na makikipag-ugnayan siya kay Duterte habang idinaraos ang peace talks sa Oslo sa susunod na linggo.
“During the formal talks in Oslo, President Duterte and I shall be in touch with each other. We intend to perform our respective parts in order to make the talks successful and beneficial to our people,” ani Sison.
( ROSE NOVENARIO )